NANG masigurado ni Maryey na nahihimbing na sa pagtulog si Sergio sa tabi niya ay marahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga at naupo. Hindi siya makatulog kanina pa. Pinagmasdan niya ang mukha ng kanyang asawa. Umangat pa ang isa niyang kamay at animo minimemorya ang bawat parte niyon nang paglandasin niya ang kanyang daliri sa mukha nito. Hindi niya namalayan na lumuluha na pala siya, kung hindi pa siya mapapahikbi. Mabilis niyang itinapik ang nanginginig na kamay sa kanyang labi para pigilan ang pagkawala ng mga hikbi. Ang sakit-sakit na maaari siyang mawala. Hindi niya kaya. Hindi rin niya alam kung paano sasabihin kay Sergio. Sigurado siyang hindi nito kakayanin. Dahil palagi nitong sinasabi na hindi nito kaya na mawawala siya. O kahit sa buong pamilya niya, hindi niya alam kung pa

