“NEXT MONTH, puwede na tayong lumipat dito,” nakangiting wika ni Sergio habang nakaakbay kay Maryey. Halos tapos na ang bahay nila. Pinu-fully furnish na lang. Yumakap si Maryey sa baywang ng asawa. “Excited na ako, hon.” “Ako rin, excited na akong binyagan ang kuwarto natin,” bulong pa ni Sergio sa may tainga ni Maryey. Nahampas niya nang marahan ang braso ng kanyang asawa. “Napakagaling mo talaga sa ganyan.” “Bakit?” natatawa pa nitong tanong. “Natural lang naman na binyagan natin itong bahay.” “Alam mo, hon, ipapasama kita sa pababasbasan ng holy water sa pari kapag pina-blessing natin itong bahay natin.” “Ah, sige para lalong tumibay ang tuhod ko,” biro pa nito. Nangingiting nagpaalam muna siya rito na pupunta muna siya sa bahay nina Zafrina. “Isasama mo ba si Ynho?” Tiningna

