HABANG abala si Sergio sa pagluluto sa kusina, sa kanilang condo unit, ay maingat na nilapitan ito ni Maryey. Pagkuwan ay niyakap mula sa likuran na bahagya pang ikinaiktad ni Sergio. “Hon,” natatawa pa nitong bulalas dahil sa gulat. “Ang bango ng niluluto mo, hon,” aniya na sinilip pa ang niluluto nito. Nagluluto ito ng beef steak para sa dinner nila mayamaya. “Nakakagutom ba?” Tumango siya. “Hmmm.” Mula sa pagkakayakap nang mga kamay niya sa may tiyan nito ay unti-unti pa niya iyong ibinaba. She’s just teasing her husband. “Hon, mamaya na ‘yan. Baka hindi ka makalabas dito sa kusina kapag tinuloy mo ‘yang binabalak mo,” saway sa kanya ni Sergio na hinawakan ang kanyang kamay at ibinaba. Pagkuwan ay pumihit ito paharap sa kanya na nangingiti ang labi at ang mga mata. “What do you wa

