Kael “DR. KAEL” Guzman “Good morning, Mr. Guzam! I’m Cindy. Ang I’m here to accompany you today,” saad niya. Tumingin ako sa kaniyang likuran kung sa’n nakatayo si Julian. Niluwagan ko ang pinto at pinapasok ang dalawa. “Thanks,” pasasalamat niya. Malaya siyang pumasok at umupo sa sofa. “Ikaw na ang bahala na mag-asikaso sa kaniya.” Bilin ko sa kaniya. “Maliligo lang ako para maka-alis na tayo.” “Yes, President!” Tinapik ko siya sa balikat at dumiretso pabalik sa aking kwarto. Binilisan ko ang paliligo at pagdadamit. Paglabas ko ng kwarto ay nadatnan ko roon si Cindy na nakaupo pa rin at nagba-browse sa kaniyang cellphone. “Where’s Julian?” tanong ko. “Oh! He went back to his room because he forgot something,” tugon sa akin. “Can we go now, Mr. Guzman? We’re running late!” saad