Alya Maia “AMARIE” Rientes Pinili kong manatili sa kwarto upang kumalma tungkol sa mga balita. ‘Ito ang unang beses nakaramdam ako ng sakit.’ Kasi masasabi kong almost perfect na ang relationship namin. I silently cried. Kapag may kumakatok o pumapasok ay nagkukunwaring tulog ako. ‘Ano bang nangyayari sa akin? Ito ba ang tinatawag nilang heart break?’ Parang hindi ko kayang magmukmok lang dito dahil mababaliw ako. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at nag-asikaso sa pag-alis ko. Napahawak ako sa aking tiyan, “Baby alis muna tayo. Magre-relax lang si Mommy.” Sabi ko sa aking sinapupunan. Nagdala ako ng apat na pirasong maternity dress at panty na kasyang kasya lang sa bag kong dala. Gusto ko sanang dalhin ang aking cellphone pero nagdalawang isip ako. Iniwan ko iyon sa side table katabi n