Kael “DR. KAEL” Guzman Lumabas sa media ang nangyaring gulo na nangyari sa pagitan ni Charie at Alya. Hindi naman gano’n kalala ang nakasulat dahil mas marami pa rin ang kumakampi sa grupo ni Alya. Ang dami ngang napahanga dahil kahit buntis ay nagawa pang ipagtanggol ang kaibigan. “Astig, ‘di ba?!” bulalas ni Kendric habang pinapa-ikot ang ballpen sa kaniyang daliri. “Hindi na talaga mawawala kay Jayana ang pagiging maton niya. Biruin mo, pati ang mga anak namin gustong sundan ang yapak niya.” Nagsalita naman si Tyler na ngayon ay natutulala. “Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap ni Deserie,” sumbong niya. “Concern lang naman ako sa kaniya at sa anak namin pero iniisip niya na unfair dahil pinahiya ko siya sa harapan niyo.” “Dapat kasi kinausap mo na lang ng sarilinan,” sag