Alya Maia “AMARIE” Rientes Nakaharap ako sa salamin at tinitingnan ang aking sarili. Minodel ko ang bagong biling maternity dress sa akin ni Kael. Kulay rosas ito at may print na minimalist design. Tamang-tama lang ang haba sa akin. “Ang ganda naman ng asawa ko,” sabi ng lalaki sa aking likuran. Mula sa harap ng salamin ay kitang-kita ko siya. Malambing niya akong niyakap. “Kamusta naman ang mga babies ko?” tanong niya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay na pumulupot sa aking baywang. Huminga ako ng malalim. “Okay naman. Kaya lang nahihirapan ako minsan huminga.” “Nagpatingin ka na ba? Gusto mo pumunta sa hospital?” Umiling ako. “Hindi na. Nakapag consult na ako kay Ate Diane. Sabi niya normal lang ang ito dahil nag e-expand ang uterus at na pu-push ang abdomen ko. At dahil na rin s