2 - Unexpected Encounter

2164 Words
Kael “DR. KAEL” Guzman Lahat ng tao ay abalang nag-aayos para sa anibersaryo ng foundation. Excited ang mga nurse at pasyente na nagtutulungan upang maisayos ang buong garden. Nakakataba nang puso na makita ang eksenang ganito. Gustong-gusto nila ang kanilang mga ginagawa at nagkakasundo ang bawat isa. “Oh!” Nabigla ako dahil sa isang pasyente na muntik nang mahulog sa kanyang kinatatayuan na upuan. Mabuti na lang at maagap akong nahawakan siya sa kanyang braso. “Dahan-dahan lang po,” nakangiti kong sabi. “Hindi magiging masaya ang celebration natin mamaya kung may maaaksidente sa inyo. Nginitian niya ako at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Siya ay isa sa mga pasyente na may Autisim na tinutulungan ng aming foundation. Sa kabila nang kaniyang kapansanan ay isa siyang matalino, mabuti at masigasig na tao. “Sorry po, Dr. Kael,” tugon niya sa akin nang muli akong tingnan. “Magdadahan-dahan na po ako,” ulit niya. Hinimas ko siya sa kanyang ulo at ginulo ang kanyang buhok, “Be careful, okay?” muli kong paalala. Nang iniwan ko siya ay naglakad naman ako sa kabilang side ng garden upang tingnan ang iba. “Good morning, handsome!” Si Nanay Pasing iyon na sinalubong ako ng makita na naglalakad ako papalapit sa kaniya. Niyakap niya ako ng mahigpit, “Napaka-gwapo talaga ng aking anak.” Hinimas ko ang kanyang likuran, “Nanay, kakagaling ko lang dito kahapon! Hindi ba’t ikaw din ang unang sumalubong sa akin?” Mahinahon ko siyang sinagot. Si Nanay Pasing ay isa sa mga natulungan ng foundation. Mayroon siyang Alzheimer's disease. Dahil sa pag-aabandona ng kanyang pamilya ay kinupkop na namin siya. Nakita ko ang pag-iba ng itsura nang kanyang mukha habang nag-iisip. Bakas sa kanyang mukha ang pagtataka. Kinakamot niya ang kanyang ulo at bumubulong. “Nanay, mag-ayos na po kayo dahil mamaya lang ay darating na ang ating mga bisita.” Paalala ko. Umangat ang kanyang tingin sa akin, “Talaga? Darating din ba ang aking mga anak? Sina Joel, Lea, at Rosy?” tanong niya. “Opo!” tugon ko. Maya-maya lang ay makakalimutan na naman niya ang pangalan ng kanyang mga anak. “Magbihis po kayo ng maganda at mag-make-up.” Sumilay ang ngiti sa kanyang labi, “Oo! Magbibihis na ako. Susuotin ko ang aking paboritong bestida. Magme-make-up din ako para hindi ako mukhang maputla.” Dali-dali siyang naglakad palayo sa aking tabi. “Everything is ready, Dr. Kael!” Napatingin ako gawi ng tinig. Isang nurse ang tumawag sa akin. “Susunod na ako!” sagot ko. “Lahat ba ng pasyente ay nasa kani-kanilang upuan na at nakaayos?” tanong ko. “Parating na ang ating mga bisita.” “Ready na po ang lahat, Dok!” Kasiyahan ang aking naramdaman nang makita ang mga pasyente na naka-upo sa kani-kanilang upuan. Ang mga nurse naman ay nasa paligid at palibot ng upuan upang bantayan ang mga pasyente. Ang laki na ng pinagbago nang mga pasyente namin. Ang iba ay gumaling na at bumalik sa kanilang pamilya. Ang karamihan ay patuloy na ginagamot upang tuluyang malagpasan ang isang madilim na parte nang kanilang buhay. “Bro!” Si Kendric iyon kasama ang kanyang pamilya. “Taon-taon nagugulat ako sa lugar na ito. Ang laki na ng pinagbago.” Kinamayan niya ako. “Of course! At least nakikita mo kung saan napupunta ang mga perang dino-donate mo.” Pagkatapos ko siyang sagutin ay binati ko si Jayana at ang kaniyang ina na naging pasyente ko noon. Malaki ang naging parte ni Kendric sa pagpapatayo nitong foundation dahil sa sulsol ni Jayana. “Binobola mo pa ako!” natatawang sagot niya sa akin. “It’s good to see you, Dr. Kael!” Si Tita Martina iyon, ang Mommy ni Jayana. “You look so great today, Tita Martina!” Hinalikan ko siya sa pisngi habang hawak naman niya ang aking kamay. “Ang galing talaga mag-alaga ng manugang niyo,” biro ko. “Ouch!” aray ko ng maramdamang may kumurot sa aking tagiliran. “Binibiro lang naman kita, e!” Inirapan ako ni Jayana, “Pero may tama ka naman talaga.” Sagot niya sa akin sabay hilig ng ulo sa braso ni Kendric, “Kung hindi dahil kay Kendric at inyo, hindi gagaling si Mommy.” “Wow! Pagkatapos mong manakit ay mayroon ka kaagad na pangbawi sa akin,” tawa kong sabi. “See you later!” paalam ko sa kanila habang isa-isa silang tinitingnan. “Enjoy the event.” Isa-isang nagdatingan ang mga sponsor ng aming foundation. Inasikaso at hinarap ko sila. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil sila ang dahilan upang maging posible ang isa kong pangarap, ‘ang matulungan ang mga pasyente na nasa harapan namin ngayon at masayang nakikisalamuha sa amin.’ Nagsimula na ang event nang dumating ang aking pamilya. Ang mga suporta nila ang pinaka-haligi nang buong foundation. ‘Because of their trust, money and connection ay naging mabilis maging posible ang aking pangarap. Ang upuan at lamesa ng mga sponsor ay naka-pwesto sa mga gilid. Naging isa silang malaking parisukat. Sa parisukat na iyon ay nasa loob ang mga pasyente na aming mga natulungan. ‘All of them spend their time and affection. Hindi mahalaga ang pera sa kanila kundi ang mga taong kanilang napasaya, natulungan at binigyan ng pagkakataon na magpatuloy sa buhay.’ “Good morning, fellow!” Nagagalak kong binati ang mga tao sa buong paligid. Iginala ko ang aking mga mata sa buong lugar. “On behalf of the foundation, gusto kong magpasalamat sa lahat ng ating mga sponsor na walang sawang tumutulong sa ating mga pasyente. Dahil sa inyong mga donasyon ay unti-unti natin silang napapagamot. Naibibigay natin ang agarang lunas at tulong na kailangan nila dahil sa mga kagamitan, gamot at supply na inyong ibinibigay.” Nagpalakpakan silang lahat sa kanilang narinig mula sa akin. “Buong puso akong nagpapasalamat sa inyo.” Yumuko ako at nagbigay ng taos pusong pasasalamat sa kanila. Nang makatayo ay muli akong nagsalita. “We’re not only celebrating our third year anniversary, because we also have a ribbon cutting for our new built building for our patients.” Nagtayuan at nagpalakpakan ang lahat. “Thank you, everyone!” ulit kong pasasalamat. Pagkatapos kong mag speech ay isa-isang lumapit sa akin ang mga bisita at binati ako sa isa pang achievement na aming nagawa sa foundation. Hindi nila inaasahang sa maigsing panahon ay magkakaroon ng dalawang building at high-tech na mga kagamitan ang aming psychiatric hospital. Ang kanilang mga mata ay punong-puno ng kaligayahan nang makita ang bagong building na aming pinagawa. “Congratulation, Dr. Kael Guzman!” Lumingon ako sa aking likuran nang marinig ang boses ng isang babae mula sa aking likuran. Nang makita ang babae ay nagulat ako at hindi nakatugon agad sa kanyang pagbati. Malayong-malayo ang simpleng itsura niya nang una kaming nagkita kaysa ngayon. “Thank you, Miss Amarie!” tugon ko sabay lahad ng aking kamay. Tatanungin ko sana siya kung ano ang kanyang ginagawa rito ngunit naputol iyon dahil sa lalaking tumabi sa kanya. “Mr. Aj Gonzales,” sambit ko sabay lahad ng aking kamay. Nakipag-kamay siya sa akin, “Congratulation, Dr. Kael! By the way, this is Amarie.” Pakilala niya sa katabi. “I know her!” sarkastikong sagot ko sa kanya. Sinulyapan ko si Amarie at ngumiti ngunit nakita kong nailang siya sa aking sinabi. Kinalabit niya si Mr. Flores, “Kilala niya na ako dahil kilala akong artista, ‘di ba?” pautal-utal niyang sagot. Natawa naman si Mr. Flores, “Of course!” sagot niya. “Iwanan muna kita sandali, Amarie,” paalam niya sa kasama. Tinapik niya ang kamay nito at umalis. Nagkatinginan kaming dalawa ni Amarie. Mas lumapit siya sa aking tabi, “Dr. Kael!” tawag sa aking pangalan sabay senyas ng zip your mouth. Niyakap ko ang aking dib-dib at tiningnan siya ng malamig. Nang makita na nag-iba ang aking emosyon ay agad naman siyang nagsalita. “Sorry!” hingi ng tawad. “Walang nakakaalam, kaya please lang!” paki-usap niya. “I told you, our patient’s information are confidential. You don’t have to worry.” Pagkatapos kong magsalita ay umalis na ako at iniwan siyang mag-isa. Nagpatuloy ang program. Gumawa ng grupo ang aming mga pasyente at pinakita ang kani-kanilang mga talento sa amin. May kumanta, sumayaw, gumuhit, tumulo at nag nagpatugtog ng mga instrumento. “Dr. Kael!’ tawag sa akin ni Mr. Flores. “Yes, Mr. Flores?” Agad ko siyang nilapitan. “Kaya sinama ko si Amarie rito ay para mag handong ng simpleng kanta para sa ating mga bisita at pasyente. Okay lang ba kung ikaw na ang bahalang magpakilala sa kanya sa stage?” Hindi ako nakatanggi at dali-daling tumango. Lumakad ako papuntang stage. Nang maka-akyat ay muli kong hinawakan ang mic at nagsalita. “We have a special guest today. I know everyone knows about the famous celebrity today, Miss Amarie!” Inilahad ko ang aking kamay patungo sa kinatatayuan ni Amarie. “She will sing today for us. Please let’s give her a round of applause.” Inalalayan ko siya pa-akyat ng hagdan. “Thank you, Dr. Kael!” Iniwan ko siya sa stage at bumalik sa aking kinauupuan. Habang pinagmamasdan siya ay ibang-iba siya sa babaeng nakilala ko sa hospital. Hindi mo maiisip na sa magandang postura at magandang ngiti sa labi ay may lungkot sa kanyang mga mata. “I will dedicate this song for everyone, specially sa mga patient natin na narito ngayon.” She cleared her throat and start to sing. Tumayo ang aking balahibo nang marinig ang kanyang tinig. Malamig at matamis ang kanyang boses. Halos lahat ay natigil sa pagsasalita dahil pinakinggan namin siya. Lahat ng mga mata ay nasa kanya. “Well, it feels like I've opened my eyes again…And the colors are golden and bright again…There's a song in my heart, I feel like I belong…It's a better place since you came along” Sa bawat lyrics ng kanyang kinakanta ay ramdam na ramdam ko ang lungkot sa kanyang puso. There’s something in her heart na hindi niya kayang ilabas. ‘It’s a burden!” And that moment, naging interesado ako na malaman kung ano nga ba ang totoo niyang pagkatao. ‘Behid her famous name, there’s a deep and darkest hole in her heart.’ Hindi ko namalayang natapos na ang kanyang pagkanta. Bumalik lang ang aking ulirat nang tapikin ako ng aking kapatid. “Kuya?” saad ni Kiendra. Linapit niya ang kanyang mukha sa aking tenga. “Pwede mo bang i-request kay Amarie na makapagpa-picture sa kanya? Gusto ko rin humingi ng autograph!” “Kailan ka pa nahilig sa artista?” tanong ko sa kaniya. “Kuya, matagal na!” excited niyang tugon sa akin. “Halos lahat ng staff, nurse and doctor ay paboritong artista si Amarie,” pagyayabang sa akin. Nag-amen siya, “Please, Kuya?” “Okay! Later, I will ask her, kaya huwag mo na akong kulitin.” Muli kong inasikaso ang mga bisita nang matapos ang aming event. Nagpasalamat ako sa kanila at hintadi sa gate. “Congratz, Bro!” Si Kendric iyon kasama ang kanyang pamilya. “Mauna na kami.” “Thanks, Bro!” tugon ko at nakipag bunong braso sa kanya. Muli naman akong hinalikan ni Jayana at Tita Martina. Nang maka-alis ay sina Mr. Flores at Amarie naman ang sumunod na nagpa-alam sa akin. Naalala ko ang request ni Kiendra nang kamayan niya ako at magpalaam. “Thank you, Dr. Kael!” Tumingin ako sa paligid at iilan na lamang ang bisita na natira. “Mr. Flores, pwede ba namin makuha ang presence ni Miss Amarie para magpa-picture at magpa-autograph?” request ko. “I didn’t know na fan ka pala ni Amarie?!” kantyak sa akin. “Actually -” “Of course, yes!” sagot niya. “Magpa-iwan na tayo. Mamaya pa naman ang rehearsal mo, ‘di ba?” “Oo!” sagot ni Amarie sa kanya. Naghintay ang dalawa sa kanilang lamesa habang ine-estema ang mga bisita na paalis. Nang masiguradong kami-kami na lang ang maiwan ay binalikan ko ang dalawa. “Shall we?” hingi ko sa kaniya ng permiso. "Sure!” Nakangiti niyang tugon sa akin. Agad siyang tumaya at lumakad papunta sa mga pasyente, nars at aking pamilya. Si Kiendra agad ang sumalubong sa amin at niyakap si Amarie. “I can’t believe this!” hindi makapaniwalang sabi ng aking kapatid. “I’m one of your fan, Amarie! Mas maganda ka pala sa personal kaysa sa TV.” “Thank you!’ simpleng sagot ni Amarie. ‘She’s so polite, gentle and down-to-earth. O baka dahil artista siya kaya mabait?’ Nagpapicture sila isa-isa kay Amarie. Lahat sila ay pinagbingyan at walang arte na nakipag halikan at nakipag kamay. Napansin ko na mas naging maamo ang kanyang mukha nang kausapin na niya ang mga pasyente. Habang pinagmamasdan siya ay ibang kasiyahan naman ang aking nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD