Kael "Dr. Kael" Guzman Inangat ni Mommy ang kaniyang mukha upang salubungin ang akong halik sa kaniyang pisngi. Hindi niya inaasahan ang aking pagpunta pero isinantabi niya sandali ang kaniyang pagta-trabaho. “How is Alya, dear?” malambing na tanong niya. Maliga naman ang aking pagtugon sa kaniya. “She’s good. Kahit papaano ay nakakapag-adjust naman sa araw-araw. Hindi naman siya nabo-boring sa bahay kasi may mga ginagawa naman siyang kasiya-siya like gardening. Pumunta rin kami kanina sa foundation. Maybe, mingling to other people will help her to adjust and cope in her situation.” Panakaw niya akong tiningnan habang pinapakinggan ang aking sinasabi. “Good to hear that. So, let’s go back to your matter. Bakit ka narito ngayon?” Ngumisi lang ako at umiwas ng tingin. “May sasabihin ka