Alya Maia 'AMARIE' Rientes Ako na lang mag-isa paggising ko. Ni kaluskos sa buong parte ng kwarto ay wala na akong naririnig. Wala rin akong naririnig na agos ng tubig mula sa banyo na kadalasan kong naririnig kapag nandito si Kael.' Umupo ako sa kama at tumindig upang mag-inat. “Good morning, self!” bati ko sa aking sarili. ‘Kasi kadalasan naman good morning, Kael ang aking sinasambit.’ Paglingon ko sa side table ay nakita ko roon ang maliit na note. Dahil sa kuryosidad ay kinuha ko iyon at binasa. “Being with you is the priceless thing I have in this world. I’m looking forward to spending more mornings with you and witnessing the sunrise together in our entire life.” Hindi ko napigilang mapangiti at kiligin sa kaniyang isinulat. ‘Sino nga ba ang hindi magiging good ang morning