Alya Maia “AMARIE” Rientes Buhay na buhay ang buong kapaligiran dahil sa makukulay na ilaw. Nakadagdag pa sa kagandan ng ambience ang mga bulaklak na naka set up sa buong garden. May mga table at chairs din na naroon kung saan naka arrange ang mga plates at utensils. Sa pinaka harap namin ay may projector at malaking white board na may simpleng design din. “May okasyon ba ngayon? ‘Di ba family dinner lang ito? Bakit ang bonga ata? Parang espesyal.” tanong ko sa lalaking nakahawak sa aking baywang. “Simple o importante mang okasyon, gusto ko maging memorable sa iyo. We prepare everything for you.” “We?” pagtatakang tanong ko sa kaniya. “You are very special to us, Alya. Hindi mo ‘man naaalala pero ang mga taong makikita at makikilala mo ngayon ay naging mahalagang parte sila sa buhay m