Annulment

511 Words
Kanina pako nakatayo sa labas ng pintuan nitong kwarto niya. Natatakot kasi akong kumain para yayain siyang kumain dahil alam kong ayaw niyang dinidisturbo siya. "L-Luh--"diko nagawa ang pagkatok ng bumukas ang pintuang nang kwarto nito at niluwa siya na bagong ligo. Naka-top less lang siya kaya kita ang kabuaan ng katawan nito. Napalunok ako ng tumambad sakin ang abs niya. "What do you want?" isang napakalamig na boses ang nagpaangat ng tingin ko sakanya. Walang mababakas na emosyon ang makikita sa mga mata nito kundi blanko. Napalunok ulit ako bago pautal-utal na nagsalita. "K-Kain kana. N-Nagluto ako ng paborito mo." pilit akong ngumiti para hindi niya mahalata ang kabang bumabalot sakin ngayon. Bahagyang tumaas ang kilay niya. "Tsk!" Nilagpasan niya lang ako kaya napaatras ako sa gilid. Naglakad siya pababa ng hagdan kaya nakayuko na lang akong sumunod. Hanggang kailan kaya ang pakikitungo niya sa'kin ng ganun. Hanggan kailan ko ba mararanasan ang ganitong sitwasyon. "After I get my shares, I will file an annulment papers." aniya ng makaupo na siya sa mesa. Hindi ako sumagot at nanatiling nakayuko dito sa gilid. "...and you can't do anything about it, Sannie. In the first place you know that this marriage is about shares....not love or lust." Tumayo na siya at hindi man lang kumain. Akmang lalagpasan niya na ako ng magsalita pa siya ulit. "And don't assume anything." Di'ko alam pero may kirot akong naramdaman matapos niyang sabihin iyon. Nang makaalis na siya sa tabi ko saka lang ako nag-angat ng tingin at sinundan siya ng tingin paakyat ng hagdan. 'Tama nga naman siya. Walang namamagitan saming dalawa.' Pagkatapos kong kumain ay naglakad lang ako papunta sa school. Tutal, maaga pa naman kaya hindi pa gaanong mainit ang araw. Habang nag-lalakad diko maiwasan ang alalahanin ang sinabi niya sakin kanina. Anullment. 'Yan lang talaga ang dahilan kung bakit siya pumayag na makasal sa'kin. Samantalang ako, nadurog dahil sa nasaktan ko ang taong minsan ko ng minahal. "Balita ko kasal kana raw?" nagulanta ako ng may malalim na boses ang nagsalita sa tagiliran ko. "Ano ba! Nakakagulat ka, Hav!" singhal ko dito at hinampas siya. Tinawanan niya lang ako bago ako inakbayan at ginulo ang buhok ko. "....how's being a wife of Luhence?" kinuha ko ang braso niyang nakaakbay sakin at nakangusong tumingin sa malayo. "Ano ba sa tingin mo?" "Hmmm....."ipinilig ko ang ulo sakanya. Nakalagay ang hintuturo niya sa baba nito. "...maganda. Akalain mong di kana babagsak niyan sa klase niya pag nag escape ka." agad ko siyang siniko dahil sa sinabi nito. "Psh! Isang beses lang akong hindi pumasok sa klase niya ano!" inirapan ko siya. "Ah! Yes! At 'yun 'yung araw na nalaman mong ikakasal ka sakanya. Grabi! I can't believe na ipapakasal ka talaga ni tita sa isang tao." tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya "What do you mean sa word na tao?" He gained." You know,isang tao. Tunay na tao at hindi maligno." Agad ko siyang hinampas sa hawak kong bag kaya mabilis itong nakalayo sa harapan ko habang tumatawa pa. Bwesit na 'yun!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD