"Seriously Joaquin, may gusto ka kay Scar?!" Nanlalaking tanong sa kanya ni Brianna. Sa kagustuhan niyang hindi mag isip ng kung ano sa kanya si Brianna, na baka interesado siya rito at nais niya lang samantalahin ang sitwasyon nito, ay nagamit pa niyang dahilan si Scarlett. Wala siyang intensyong gamitin si Scarlett, lalo na't kasal na ito kay Sebastian. Isama pang napag-usapan na nila ni Sebastian na mag mo-move on na siya sa feelings niya kay Scarlett. At yes, naka move on naman na siya dahil na intertain siya kay Brianna. Iyon nga lang ayaw niyang ipahalat sa dalaga kung ano man totoong dahilan niya kung bakit tinutulungan niya ito at ayaw niya itong makipagkita sa kaibigan nitong si Chace. Sa totoo lang kasi naguguluhan pa siya. Sa tuwing nakikita niya si Brianna pumapasok sa isip ni