"Ano po?' Gulat na tanong niya nang pigilan siyang makaalis ng bahay ng mga kasambahay. Matapos ang pambabastos sa kanya ni Joaquin nag desisyon siyang umalis na sa bahay nito. Inayos na nga lahat ng dadalhin niya sa pag alis. Bag lang niya ang dadalhin at wala siyang balak dalhin ang mga pinamili sa kanya ni Joaquin. Iyung suot niya iyon dadalhin niya wala naman kasi siyang ibang damit na isusuot. Nakausap na rin kasi niya si Chace at sinabi nitong pwede na siyang mag check in sa Tragora Condominium na pina reserved nito. Doon na sana niya balak magtungo ngayon. Hindi na kasi niya kayang makasama pa si Joaquin dahil sa pag-uugali nito. Isama pang inamin sa kanya ni Joaquin na may gusto ito kay Scar. Bagay na talagang iniyakan niya. Nasaktan siya kahit hindi naman gusto ni Scar si Joaqui