Kinagabihan pagkatapos niyang maligo agad na siyang nahiga para magpahinga. Hindi nga nawawala ang ngiti niya sa labi, dahil sa napagkasunduan nila ni Sebastian. Excited na nga siyang umatake sa kanya si Irish para sumulpot na lang bigla si Sebastian para ipagtanggol siya, o di naman kaya ay para may dahilan siya para tawagan si Sebastian at makausap. "Kung tawagan ko kaya siya?" Tanong niya sa sarili at napabangon mula sa pagkakahiga. "Ano naman ang sasabihin ko?" Tanong niya muli sa sarili. Humugot siya ng malalim na paghinga at tinitigan ang cellphone na hawak. "Bahala na. Gusto ko lang naman marinig ang boses niya," she said at lakas loob na pinindot ang pangalan ni Sebastian sa cellphone. Nag ring naman agad iyon. Naramdaman niyang kumabog ang dibdib niya nang marinig ang pag ri