"Ayos na ba?" Tanong niya kay Brianna matapos niyang makapag retouch ng kanyang make up sa comfort room kasama ang kaibigan. Uwian na kasi nila kaya kailangan na niyang magpaganda darating na si Sebastian para sunduin siya. "Maganda ka naman girl kahit walang make up," nakangiting tugon ng kaibigan sa kanya habang inaayos ang buhok niya. "Thank you," pasalamat naman niya. "Yung party ni Marga pupunta ka ba?" Brianna asked nang palabas na sila ng comfort room. "Pinag-iisipan ko pa. Baka kasi sugurin ako ni Irish doon tapos ipahiya lang," simangot niya. Natatakot siyang mapahiya ni Irish sa harap ng mga ka eskwela niya. Kung sana naroon rin si Sebastian mas ok iyon. Kaya lang naisip niya tiyak naman na hindi sasama si Sebastian sa kanya pag niyaya niya ito. At kung pupunta siya na hindi