Kinabukasan pagbukas niya ng pintuan ng guest room para bumaba na at makapag almusal siya namang saktong pag akyat ni Joaquin sa itaas. Natigilan pa siya at hindi malaman ang gagawin, kung papasok ba muli sa silid o tutuloy. "Good morning Brianna," bati sa kanya ni Joaquin habang nagpupunas ng pawis sa katawan. Huminto pa ito sa tuktok ng hagdan habang nakatingin sa kanya. Nagbukas siya ng bibig para sana batiin rin ito, iyon nga lang walang salitang lumabas sa bibig niya. Isama pang may sariling isip yata ang mga mata niya na hindi maalis sa hubad na malapad na dibdib ni Joaquin. Mukhang galing na naman ito sa jogging kaya pawisan ito at wala itong suot pang itaas. Pawisan pa ito pero fresh pa rin itong tignan. Kaya naman ang mga mata niya at nanlalaki na naman at sinusulit ang view na