"Bakit parang nagagalit ka Joaquin?" Tanong niya rito. Napansin kasi niya sa tinig at kilos nito na galit ito. "Hindi ako galit, Brianna. Sinasabi ko lang na sa sitwasyon mo ngayon, kailangan mong mag ingat. Huwag kang basta-basta magtiwala kung kani-kanino. Baka nakakalimutan mo sarili mong magulang nagawa kang ibenta!' Mariing litanya nito sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya at napatitig kay Joaquin. Hindi siya makapaniwala na narinig niya ang mga salitang iyon kay Joaquin. Napalunok siya at ibinaba ang hawak na kubyerytos, habang hindi pa rin nag-aalis ng tingin sa binata na nag iba ang ekspresyon sa mukha. Mukhang narealized na nito ang sinabi nito sa kanya. "I'm sorry," paumanhin nito sa kanya at nag iwas ng tingin. "I can't believe na sa iyo ko pa mismo narinig iyan, Joaquin.