"Tawagan mo ako agad kung may impormasyon ka na sa Chace Madrigal na iyan," sabi niya sa PI na kausap niya sa cellphone. Tinawagan niya ang PI para ipa imbestiga si Madrigal. Ito kasi ang sinabi ni Brianna na tumatawag sa dalaga. Kaibigan daw nito ang lalake. Kailangan pa rin nitong mag ingat, dahil hindi biro si Don Robert. Lalo na't patuloy pa rin daw ito sa paghahanap kay Brianna. Nagpakalat daw ito ng maraming tao sa San Miguel at karatig bayan para hanapin si Brianna. Sa sobrang laki daw ng nilabas na pera ni Don Robert para lang makuha nito Brianna, kaya hindi daw basta, basta susuko ang matanda. Inutos niya sa PI na alamin ang lahat tungkol kay Chace Madrigal at kung ano nga ba ang relasyon nito kay Brianna. Ngayong nasa bahay na niya si Brianna, nais niya itong manatili sa bah