Lunes pumasok na siya sa San Miguel University excited pa nga siya dahil ibabalita niya kay Brianna ang mga nangyari sa kanya sa buong weekend. Matapos siyang maihatid ni Sebastian sa bahay nila after niyang puntahan ito sa penthouse ay hindi na sila muling nagkita pa ni Sebastian. Hindi naman kasi pumupunta ang binata sa bahay nila, at siya naman wala pang idadahilan para pumunta sa penthouse nito. Pero malinaw naman ang mga naging usapan nila ni Sebastian na handa siyang magpagamit rito para maitaboy ng husto si Irish sa buhay nito. Hindi niya hahayaan na ituloy pa mi Sebastian ang pagpapakasal sa ganoong klaseng babae na katulad ni Irish. "Ang lapad ng ngiti mo ah. Si Doc pa ang naghatid sa iyo?" Usisa ni Brianna nang magkita sila sa loob ng campus. Todo ngiti pa rin siyang iniling ni