"F*ck you, Sebastian! You are insane para ipagpalit ako sa isang katulad lang niya!" Sigaw ni Irish sa kanya nang makalabas na ito sa penthouse niya. Sinara na muna niya ang pintuan para na rin hindi marinig ni Scarlett ang ano pang pag-aawayan nila ni Irish. Kinailangan niyang ilabas so Irish dahil balak na nitong saktan si Scarlett physically. Hindi naman niya pwedeng hayaan na masaktan ni Irish si Scarlett, dahil nga dinamay lang niya si Scarlett sa gulo nila ni Irish. Hindi nga niya maintindihan ang sarili kung bakit nasabi niya na kay Irish na girlfriend niya si Scarlett. Wala sa plano niya ang bagay na iyon, kusa lang lumabas sa bibig niya at hindi na niya mababago pa iyon. Damay na talaga si Scarlett sa gulo nila ni Irish. "Just go, Irish," mariing sabi niya sa dalaga. "Mag-usap