Tama ba ang narinig niyang sinabi ni Sebastian kay Irish? Tanong niya sa isip, habang nakatingin kah Sebastian na nakikipag bangayan pa kay Irish. Hindi niya inaasahan na ipakikilala siya ni Sebastian kay Irish bilang girlfriend nito. Pero aaminin niyang natuwa siya at tumalon pa nga ang puso niya sa sobrang saya. Naisip niyang nakatadhana talaga ang pagpunta niya sa bahay ni Sebastian dahil ganito ang mangyayari. "How dare you Sebastian, para ipagpalit ako sa isang batang katulad niya?!" Hiyaw na tanong ni Irish, sabay turo pa sa kanya. Kitang-kita niya ang galit sa mukha ni Irish. Natatakot siya pero alam niyang hindi siya hahayaan ni Sebastian na masaktan ni Irish. Tinignan siya ni Irish mula ulo hanggang paa na nakataas ang kilay at nasa mga mata ang pang mamaliit. Lalong tumaas ang