"Damn, it! Where are you, Scarlett?!" Sigaw niya sa kabilang linya. Pero wala na si Scarlett sa kabilang linya putol na ang tawag nito. Sinubukan niyang tawagan ito muli pero ring lang ng ring at hindi naman nito sinasagot. "Sh*t!" Mura niya napahampas sa mesa. "What's wrong?" Joaquin asked. "Si Scarlett ba ang tumawag? Ano daw nangyari sa kanya?" Magkasunod na tanong ni Joaquin sa kanya. Tinignan niya ang kaibigan. Mukhang nag-aalala nga ito kay Scarlett. Kaya tama lang na huwag niyang sabihin rito kung ano ang nangyayari kah Scarlett ngayon, dahil baka ito pa ang unang makakita kay Scarlett kesa sa kanya. Katulad nang nangyari nang gabi ng birthday ni Scarlett. Iba ang naamoy niya kay Joaquin, kaya dapat lang na iiwas na niya si Scarlett rito. Joaquin is better than him, alam niya