Napakabilis ng mga pangyayari. Parang pumikit lang siya at isa na siyang Mrs. Sebastian Navarro. Sa edad niyang eighteen may asawa na talaga siya. Hindi naman basta-basta ang asawa niya. Isang magaling na doktor sa Europe. Isama pang tagapagmana ito sa maraming ospital sa Europe. Ganoon kalaking tao ang napangasawa niya, kaya hanggang ngayon hindi pa siya makapaniwala na asawa na nga niya si Sebastian na pinapangarap lang niya noon. Isang Judge ang nag kasal sa kanila ni Sebastian. Kaibigan ito ng Daddy niya kaya napakabilis silang naikasal ng legal ni Sebastian. Tanging ang Daddy lang niya at Mommy ni Sebastian ang saksi sa pag-iisang dibdib nila ni Sebastian. Hindi nga niya nagawang sabihin kay Brianna ang pagpapakasal niya. Tiyak na magugulat ang kaibigan pag nalaman nito na naikasal n