Napakagat labi siya at hindi magawang sulyapan si Sebastian. Alam niyang magagalit ito sa kanya ngayon, dahil nakipagkita siya kay Dr. Joaquin. "Sebastian, join us. Niyaya ko lang mag almusal si Scarlett," sabi ni Dr. Joaquin. "Huwag na Joaquin!" Mariing tugon ni Sebastian. "Tumayo ka na diyan Scarlett at sumama ka sa akin!" Utos ni Sebastian sa kanya. Nag angat siya ng ulo at napasulyap kay Dr. Joaquin na kay Sebastian nakatingin. Saka niya nilingon si Sebastian na masama ang tingin kay Dr. Joaquin. Bumuntong hininga siya at pinikit saglit ang mga mata, para pakalmahin ang sarili. Sigurado siyang sesermunan siya ni Sebastian dahil lumabas siya ng penthouse nito at nakipagkita pa kay Dr. Joaquin. "Scarlett, let's go!' Mariing sabi pa ni Sebastian. "Sebastian. Kumakain pa si Scarlett