"Why Sebastian? Bakit kailangan umabot sa ganito ang lahat?' Naguguluhang tanong niya kay Sebastian. Matapos nitong sabihin na legal ang kasal na gagawin nila. "Sa tingin mo ba matatakasan pa kita ngayong nadatnan ka na ng Daddy mo dito sa bahay ko na tanging t-shirt ko lang ang suot mo!" Tugon nito sa kanya. "Pero Sebastian, iba ang kasal. Iba ang-" "Ikaw pa ba ang may ganang tumanggi ngayon sa akin ah Scarlett? Hindi ba't ikaw naman ang nagdala sa atin sa ganitong sitwasyon!" Asik nito sa kanya. Napa awang nalang ang bibig niya at hindi na naituloy pa ang nais sabihin. Galit na galit na kasi si Sebastian sa kanya. "Ayusin mo na ang sarili mo at magtungo tayo sa bahay niyo para ayusin ang mga kailangan natin para sa kasal natin bukas," sabi pa nito. "Bukas na talaga?" Tanong pa niya.