Pagbalik niya sa guest room, nadatnan niyang tapos ng maligo si Brianna. Kasalukuyan itong nagsusuklay ng basa nitong buhok. Nagkapang abot pa ang mga nila sa salamin. "Lagyan ko na ng gamot ang mga sugat mo," he said. "Sige," tugon naman nito sa kanya at tumayo mula sa pagkakaupo nito sa dapat ng salamin. "Ituro mo sa akin kung paano gagamutin, para sa susunod ako na lang," sabi nito at naupo sa kama. "Para saan pa at may kasama kang doktor kung ikaw din naman ang gagamot sa mga sugat mo," tugon niya at bahagyang ngumiti sa dalaga. "Wala kasi akong maibabayad sa iyo bilang magaling na doktor," Brianna said. Napangiti naman siya lalo sa sinabi nito at naupo sa kama sa tabi nito. Kung bayad lang naman ang pag-uusapan. Matagal na niyang nakuha ang bayad nito sa kanya, at iyon ay ang n