Chapter Three

1137 Words
Dali dali kong binilinan ang mga kapatid ko na manatili lang sa bahay. Ipinaalam ko rin kaagad sa kanila ang nangyari kina Mama at Daddy para wala nang susuway. Agad naman nilang naintindihan.  “Mag pray kayo, ha?” ani ko sa dalawa. “Opo, mag-iingat ka rin, Ate. May virus pa naman sa labas,” sabi ni Mia. Ngumiti lang ako at tumango.  “Ingat ka rin, Ate, tawagan mo kami ni ate Mia, ha?” ani ni Kit at tumango lang ako.  “Oo, basta walang lalabas, ha? Gagaling din sila dada,” huling bilin ko.  Lakad-takbo ang ginawa ko habang nag-aayos ng sarili. Nagdadasal na rin ako sa isip ko habang nagmamadaling magbihis. Dinala ko na ‘yong buong pack ng masks, in case lang.  Nang makalabas na ako ng bahay, pumunta muna ako sa pinakamalapit na convenience store para mamili ng instant noodles, tubig, energy drink at kung ano-ano pang maari na madali lang kainin ng pasyente. Buti na lang may naitabi pa akong kaunting pera.  Nang tapos na akong magbayad, tumawid na ako at dumaan muna sa isang fruit stand saka namili ng prutas. Nang makumpleto na kaagad akong pumara ng jeep papuntang hospital. Anong hospital ba? Tatawagan ko na sana ang Mama ko para alamin, pero itinext niya na pala ang address.  “Dito lang po. Heto po ang bayad,” abot ko ng pamasahe at agad na bumaba. Halos takbo na ang ginawa ko para marating ko ang entrance ng hospital para makapag-fill up pa ng mga kung ano-ano.  Nang makarating na ako ng Information Desk, nagtanong na ako sa nurse na naka-assign do’n. "Miss, maaari ko po bang malaman kung ano ang room number nina Mr. Joseph Kaede at Sofia Kaede?" mabilis kong tanong. Agad niya namang sinagot at binigay sa akin ang papel na may numero. 608. Agad naman akong nagpasalamat sa kanya. Para pa akong nag-aalangan nang kaunti at baka iba yata itong numero na ibinigay niya kasi iba ang pagkakarinig ko kanina kumpara sa numerong ibinigay niya ngayon. Parang ang layo naman.  Hindi ko na kasi narinig nang maayos dahil may dumaan na isang ginang na may katawagan yata sa telepono. Ang lakas pa ng boses. Isinantabi ko na lang muna ang iniisip ko at pumunta na ng Room 608. May nakita pa akong doktor na lumabas sa kuwarto na ‘yon. She seems young and very gorgeous. Mas mapagkakamalan pa siyang model kaysa sa pagiging doktor. Ito na naman at lumalabas na naman ang pagka-observant ko.  “Kumusta po ang pasyente?” I faced her. “Kaano-ano mo po ang pasyente?” she replied. “D-Daddy ko po. Kumusta na po ang kalagayan niya?” nag-aalalang tanong ko.  Nag-iba naman ang ekspresyon ng mukha ng Doktor na parang nagtataka, pero agad rin nitong ibinalik sa normal habang napapailing na may halong kaunting ngiti. She’s smirking, something like that. I can tell it even she’s wearing a mask. I even leaned closer to her to see her name tag. ‘Vanessa Brew’ “Sa ngayon, positive and active pa rin po ang virus sa katawan niya, pero unti-unti nang bumalik ang lakas ng pasyente. You can visit him now, but hindi pa po allowed ang paglapit sa kanya. Maintain 3 meters apart po, at dapat doble po ang mask na suot niyo. May spare masks po sa table. Thank you. I will leave now.” Nangunot naman ang noo ko.  “Anong positive? Anong virus? Nabundol ng sasakyan, nagka-virus na?” Agad kong binuksan ang pinto sabay tawag ko sa kanila. “Daddy? Narito na po ak— wait, sino ka?” nangunot ulit ang noo ko nang bumungad sa akin ang isang lalaking balot na balot ng mga dextrose sa katawan. May mga parang machine pa na nakakabit sa leeg at dibdib niya. Nakatingin lang ito sa akin na walang halong kahit na anong emosyon.  Pero ang g’wapo! Mukhang yayamaning Sugar Daddy—este bugok, siraulo ba ako? "Yes, baby?" laking gulat ko na lang nang bigla siyang nagsalita. He even smirked at me. Gago ba 'to? May sakit na nga malandot pa rin. Ano siya? Ako? "S-Sorry po, wrong room," utal kong saad at chineck ang room number. "608 naman, ah?" "Let me see," malamig na tonong saad niya. I looked at him. Maybe he’s still around 20’s like me, since he looks young at parang walang trabaho sa bahay sa puti at kinis ng balat. Agad ko namang binura ang pinag-iisip ko. “A-Ah, bawal po ako lumapit. May Respirovirus po k-kayo,” I managed to speak, finally. "Just show me, you don’t have to come closer," he smirked again kaya nagsimula na akong mainis and at the same time kiligin—siraulo? Iniharap ko nga sa kanya ang papel na may number. "Oh? Turn it upside down, it’s 809, not 608,” aniya nang makita ang numero. Ha? Hakdog. Tiningnan ko ulit ang papel at ibinaliktad ito. "Oh, crap!" I died on the spot. “I’m very sorry, S-Sir." He just smiled and nods at me. Tumalikod na ako sa kanya nang marinig ko siyang magsalita ulit. "Its fine, baby." Napapikit na lamang ako sa hiya at parang sinampal na ako ng pitong demonyo sa sobrang pula at init ng mukha ko. “Daddy? Nandito na po ako . . .” I snapped my mind and focus to what I am really doing. Hindi pa ako naka-move on kay Hans, oy! I reached the room 809, and finally saw my mother holding my unconscious father. As I saw them, napabalik ako sa realidad. "Ma, kumusta po?" nag-aalala kong tanong. Lumingon siya sa akin at ngumiti nang mapait. "Sabi ng doktor, natutulog lang daw siya. Maayos na rin ang condition niya. Kapag gumaling-galing na ang mga sugat niya, p’wede na raw siyang i-discharge," paliwanag ni Mama na nakapagpakalma sa akin nang bahagya. I was about to hug my mother nang biglang bumukas ang pinto. "Ma’am, are you the one who visited the Room 608 with a Respirovirus patient a while ago?" pabungad na saad ng isang nurse. "O-Opo, wrong room po ang napasukan ko, akala k—" pagpapaliwanag ko sana. "No, Miss. You are being exposed to the virus, you’re not allowed to visit another patient lalo na kung hindi affected sa virus ang pasyenteng sunod na bibisitahin mo. Now, the three of you will be considered as exposed patients. You need to be quarantined right here in the hospital, and right after here, at your home," may halong inis na imporma niya. Walang makasagot. Walang nagsasalita. “Pero, Miss, hindi ako lumapit sa kanya.” “You even stayed there for a minute, Ma’am. Three seconds exposure will be considered already as a virus exposed patient.” “Pero, Miss? May mga maliliit akong kapatid na naiwan sa bahay!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD