Chapter Four

1331 Words
I called Mia to inform that I won’t be able to go home tonight. Thanks to the poor signal that made our communication harder. D*mn! Lumabas muna ako sa room nila mama, at pumunta sa may exit kung saan may mas maayos na signal. Nagsisimula na akong mainis dahil maayos naman kanina ’yung signal. Pero, parang ewan kase itong cellphone ko. Minsan, nag-lag pa. Gusto ko na talagang bumili ng cellphone—dati pa. Pero nagagamit ’yung pera sa ibang bagay, kaya hindi na naitutuloy. When I finally reached the exit area, I tried to call my sister again. “Hello?” pagtawag ko ulit sa kapatid ko, hopefully marinig niya na nang maayos. “Ate?” she finally spoke and I sighed in relief. “Mia, kumusta kayo d’yan? Si Kit, nasaan?” I asked in a worrying tone.  “Maayos lang naman po kami, Ate. Kailan ka pa po uuwi? Gabi na ate,” she asked back. Napasabunot na lang ako ng buhok ko habang pilit iniisip kung paano ipapaliwanag sa mga bata ang sitwasyon namin sa hospital. Sino ang magsasaing bukas para sa kakainin nila? Sino ang magluluto ng ulam? Sino ang maglalaba? “Ate?” nabalik ako sa reyalidad nang magsalita ulit si Mia.  “Mia, hindi pa ako makakauwi ngayon. Pero bukas, pipilitin kong kumbinsihin ang mga doktor. Ayaw kase nila ako papauwiin kase baka may virus na nakakapit sa katawan ko, kase di ba, delikado rito?” mahabang paliwanag ko. Tahimik lang ang kabilang linya kaya nagsalita ulit ako. “Mia, kumusta naman si Kit—” putol na sambit ko. “Ate, tumae po si Kit. Uwi kana po!” sigaw ng kapatid ko sa telepono. “Pero hindi pa nga pwede,” “Bukas po, umuwi ka na.” Pasagot pa lang ako nang marinig ko sa kabilang linya si Kit na umiiyak sabay sabing, “Ate Mia, nap pu-pu na po ako!” saka na-off na ’yung tawag. Napabuga na lang ako ng hangin, at napahawak sa sentido ko. Habang nakatayo roon ay napansin ko ’yung nurse na dumaan sa harapan ko kaya agad ko itong nilapitan at tinawag para tanungin. Bahagya pa itong napaatras dahil masyado ata akong napapalapit sa kaniya. “Magandang gabi, nurse. Ask lang po sana ako. Hindi po ako pasyente rito, pero bawal pa raw ako makauwi. May I know if hanggang kailan pa po ako mag-stay rito?” panimula ko. I sound pissed, but still approached her in a polite way. “Miss, mostly po ay aabot ng at least one week ang stay ng mga visitors lalo na if na exposed or let say ’yung patient na binisita ay affected po ng virus. Mas mabuti po if magpa-monitor na kaagad kayo or hihingi po kayo ng permission sa doctor na nag-advice po sa inyo na mag-stay,” mahabang tugon nito bago magpaalam na aalis na. Pinagmasdan ko muna ang nurse habang papalayo ito sa akin. Nang mawala na siya sa paningin ko, sumandal muna ako sa glass wall para kumalma. I tried to think positive things just to calm down. “Kailangan kong makauwi ngayon, or at least bukas,” I murmured to myself. Nakatayo parin ako sa pwesto ko. Nakaharap ako sa isa pang glass wall that revealed my reflection. My reflection looks miserable. I was about to go back to my parent’s ward room nang makasalubong ko ulit ’yung doctor na napagkamalan kong isang modelo—’yung Vanessa. Ngumiti ito sa akin nang makaharap niya ako. I can tell it kahit naka-mask siya. “Hello. Are you lost, or something?” she asked. Akala ko sasabihin niyang are you lost baby girl? Inalis ko muna ’yung naiisip kong kagaguhan saka siya kinausap pabalik. “Hindi po, pabalik na po ako sa room ng mga magulang ko.” She just nodded and smiled. Muli akong nagsalita upang ipaliwanag sa kaniya ang nangyari kanina. “Doc. about po kanina,” panimulang sabi ko, “Pasensya na po if wrong room ’yung na pasukan kong room. It’s supposed to be room 809, but na baliktad ko ’yung number. Kaya imbes na 809, naging 608, at napunta ako ro’n,” mahabang paliwanag ko. Habang pinapaliwanag ko ang mga pangyayari, an idea poped-up on my head. What if sa kaniya na lang ako hihingi ng permission, para makalabas ako rito? D*mn, I’m such a genius! “Really?” she confirmed kaya napatango na lang ako. “I am sorry, I haven’t knew it. Na-expose ka pa tuloy. But, I guess napatawa mo si Viro kanina. He’s been so depressed ever since naospital siya. I thought you're his girlfriend, and call sign mo lang sa kaniya ’yung daddy,” pagpapaalala niya pa. Tumawa na lamang ako para mabawasan ’yung hiya na bumabalot na naman sa akin. “Iyong literal na ama ko po ang ibig kong sabihin no’n. Kung alam n’yo lang kung gaano ako nahiya kanina. I mean . . . hanggang ngayon din naman po, pinapaalala n’yo pa talaga,” nakayukong pagpapaliwanag ko sa kaniya, at natuwa lang ito sa akin.   “Okay, calm down. By the way, may I know your name?” she changed the topic—buti naman. “Haviana Kaede po,” pagpapakilala ko. Ngumiti naman siya, at nagpapakilala pabalik. “I'm Vanessa Brew, an internist. I am currently taking care of Viro Horibe—that guy you met earlier.” Tumango lang ako at ngumiti. Hindi naman kasi niya inalok ang kamay niya para makipagkamay. Bawal din syempre. Napansin kong parang hindi niya tinatawag na Mr. or something in formality ’yung pasyente niya kaya napaisip ako na baka close sila or relatives. “Doc. Vanessa, parang casual lang ata ’yung pakikitungo mo sa pasyente mo. Relatives po ba kayo? Or talagang friendly lang talaga kayo sa mga pasyente mo?” tanong ko sa kaniya. She just smiled at me and shook her head as a sign of disagreement. “He's my ex. I know him for so long. We grew up together, kaya hindi ko na siya masyadong pinupuri. I know almost everything about him,” she explained na nagbibigay sa akin ng intriga, and at the same time, panghihinayang—panghihinayang sa relasyon nilang nasira, at panghihinayang sa katotohanang . . . Ang ganda ng ex niya teh! Nakakawala ng confidence! Nakakapambaba. Hindi ko reach ang standards no’ng foging pasyente. Pero baka may mas malalim pa na dahilan? “Talaga po? Sa ganda mong ’yan hiniwalayan ka pa no’n? Don’t tell me lalaki rin gusto niya, Doc?” Nang masambit ko ang mga salitang ’yon, bigla na lang siyang napahalakhak nang malakas. Nakaani iyon ng atensyon ng mga tao—dahilan para pagtinginan kaming dalawa. Ako na lamang ang nahiya, kase mukhang wala namang paki ang doktor na ’to. Palibhasa maganda, kaya ayos lang. “No, you get it wrong. Ako ’yung nakipaghiwalay sa kaniya.” Nangunot naman ang noo ko. Well, ayos lang naman. If nagsawa siya at nawalan na siya ng gana sa pagmumukha ng Viro na ’yon; may ibubuga naman siya. Una, maganda siya. Pangalawa, mayaman. Ang mga babaeng may guts na kagaya niya, parang may karapatan talagang magloko eh no? Samantalang ang mga babaeng kagaya kong hamak na humihinga lang sa mundo at wala pang ambag, nako . . . wala talagang karapatan mang-iwan. Charot. Inaamin ko. G’wapo si Viro, and mukhang mayaman kase kumpleto sa gamit, at ’yung mga machine na ginagamit sa pagpapagamot, mukhang kompleto. Mayabang din umasta, at medyo Inglesero. “Bakit naman, Doc? Sayang naman,” tanong kong muli sa kaniya. Lumabas na naman ang pagiging chismosa ko. Simula no’ng nabulok na ako sa bahay, nawalan na talaga ako ng gana at paki na mangialam pa ng buhay ng iba. Kasi nga, puro pera at survival na lang ang iniisip ko. Pero wala namang masama sa magtanong, di ba? Need ko pa rin siyang makausap para makatyempo ako, at maipasok ang totoong pakay ko talaga—permission para makalabas ako rito bukas.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD