“He was very immature way back then. Meron din akong opportunity na natanggap that time. I chose it over him,” she explained, and I could see the sadness through her eyes.
Hindi kaya attached pa siya kay Viro?
Nais ko pa sanang itanong sa kaniya ’yon. Pero in the first place, hindi iyon ang pakay ko sa kaniya. I already got the right words to tell her my true intention for talking to her. Tumango lang ako bago magsalita.
“Uhm . . . pasensya na sa mga tanong ko, Doc. Vanessa. Actually, may nais po sana akong hingiin na kaunting pabor sa inyo. Need ko po kase makauwi bukas, kaso ayaw akong palabasin ng mga staffs kase na expose ako sa infected patient. Need po ng may signed permission galing sa doctor, bago ako makalabas,” I explained with a dramatic tone. Tumango naman ito at nagbuntong hininga.
Napayuko na lamang ako at hinihintay ang sasabihin niya. Nakakaramdam din ako ng hiya sa sarili, dahil parang walang respeto ang ginagawa ko. She trusted me with her personal information, but I acted like I actually don’t care.
I started to overthink again.
“Puntahan mo ’ko sa room 608 tomorrow morning 7 A.M sharp. Naka-scheduled akong i-check si Viro sa room niya bukas. Uuwi na rin kase ako bukas, since kahapon pa ako walang tulog. Ihahatid narin kita.” I jumped in excitement. Ganon na lamang ang lubos na pagpapasalamat ko. I only requested her a permission, pero may pahatid pa itong ina-alok sa akin.
“Thank you so much po, Doc. Ang bait niyo po, at ang ganda pa!”
D*mn, I'm annoying!
Pinagtitinginan na ako ng mga tao. I look dumb. I heard her laughing at me, but its fine. I am really thankful to her.
Napatalon ako sa pagkakabigla nang may nagsalita sa likuran ko. Malamig ang boses nito, at pagalit ang tono.
“What took you so long, Vanessa?” his voice made me shiver down to my spine.
“Viro, I am sorry. May kinausap lang—” Vanessa tried to explain, but he cut her off.
“Hirap na ngang huminga ang pasyente mo, nakuha mo pang makipagchikahan sa iba? Am I really just a joke to you?” he scolded her. I can sense the irritation on his voice. Medyo malakas ang boses niya kaya may iilan ang nakapansin. If I’m not mistaken, did he just say his last words on purpose? Is it just me? I guess may ibang ibig-sabihin ’yung sinabi niya. But it doesn’t matter for now. The way he talked to Doc. Vanessa really made me annoyed. Hindi na ako nagtaka ba’t ambilis niyang iwanan ng isang magandang babae.
Pwe!
“Mawalang galang lang po Sir, ha? Makapagsalita ka po kase parang wala man lang utang na loob sa doktor. At kung totoong nahihirapan ka pong humihinga, ba’t ka nakakalakad nang maayos? At makuha mo pa talagang magyabang, no?” Pinanlilisikan ko siya ng mata habang sinubukan akong awatin ni Doc. I can see that he’s really annoyed, or should I say, pissed. Akala niya gwapo siya?
Medyo lang.
Tinitigan niya ako sandali na parang pinapamilyar ang mukha ko.
Oh crap, did he just remember me now?
His facial expression changed to something like ‘nang-iinis’. Pero nandy’an parin ang pagkairita sa mga mata niya. Hindi nga pala siya naka-mask kaya mas lalo akong nagalit. Napaka iresponsable niya! Gusto niya ba kaming hawaan lahat?
Lumapit ito papunta sa direksyon namin. Magsalita na sana ako nang naunahan niya kong magsalita.
“How dare you butt in to our conversation? Sino ka ba sa inaakala mo? Hindi ikaw ang kinakausap ko, baby.” Pagkasabi niya non, ay umusok na talaga ang tenga ko sa inis. Sasampalin ko na talaga ito kung hindi lang siya pasyente eh. m******s na nga, wala pang modo!
“Pakyu ka!” Hindi ko na napigilan ang sarili kaya na mura ko siya ng bali-bente. Wala na akong paki kung wrong grammar pa ’yung pagkamura ko sa kaniya.
G*go pala ’tong taong to eh!
Inawat naman kami ni Vanessa.
“Miss Haviana, calm down. Let us meet na lang tomorrow morning okay? Viro, shall we go to your room now? Hindi ka pa naka-mask, my God!” Tiningnan ko lang si Vanessa habang nagsasalita.
Nang marinig ko siyang magsalita tungkol sa mask, sumang-ayon kaagad ako.
“Oo nga, balak pa ata tayong patayin. ’Apaka iresponsableng tao!” hayop talaga sana ang sasabihin ko.
Mag sasalita pa sana siya pero agad na siyang tinulak ni Doc. Vanessa palayo. Tumalikod na ako, at pilit na ikalma ang sarili. Dumiretso na ako sa room nila mama para magpahinga. Sana nga lang makapagpahinga ako. Sa sofa lang kase ako matutulog. I wonder if tulog na ba ang mga kapatid ko.
I checked my email account. Still no update in regards to my salary. May bill pa kaming babayaran dito sa ospital. I guess makakabayad pa naman kami rito dahil sa natitirang collection ni mama sa botique niya. Pero after that? nganga. I’m sure hindi pa makakabalik sa trabaho si papa. Paubos na ang personal money ko. I’m sure mababaon talaga kami nito sa utang.
Bukas makakauwi na ako, pero sina mama hindi pa. Nagsisimula na akong mag-overthink.
What if hindi talaga ako masasahuran this month? Worst case scenario, baka thank you na lang ang matatangap ko—Sh*t!
“Anak, saan ka ba nanggaling? Ang tagal mo naman. Natawagan mo na ba ang mga kapatid mo?” si mama, pagpasok ko kaagad sa kwarto.
“Opo, makakuwi na ako bukas. May kinausap lang po akong doctor. Humihingi ako ng permisyong makauwi na bukas,” ani ko. Tumango naman si mama.
“Buti naman. ikaw muna ang magbabantay sa tindahan ha? Pag-matatagalan pa kami rito. Tawagan mo lang ako kung may hindi ka maunawaang presyo. H’wag kang mag padalos-dalos. At saka ’yung mga kapatid mo. Tapos ang mga labahan, at ’yung—” hindi ko na pinatapos si mama.
“Opo ma, alam ko naman ’yan eh. Magpahinga na po kayo. Tapos kana bang kumain? Kailangan ninyong gumaling kaagad para hindi tayo masyadong mabigatan sa gastusin dito sa ospital.” Pagpapa-alala ko sa kaniya.
“Kaya nga eh. Pero ewan dito sa daddy mo, ayaw pang gumising,” malungkot na sabi ni mama.
“Eh p’ano kase, ang sarap matulog nang may air conditioner.” nagulat naman kami nang biglang magsalita si daddy.
“Ano? Teka, kanina kapa pala gising dy’an? Loko ka pala eh!” galit na sambit ni mama at pinagpapalo ng unan si tatay. Napasabunot na lang ako sa sarili ko.
“Eto, kumain ka. Jusko naman!” She continued.
I guess I'll just call this a day. Sana magiging maayos din ang lahat bukas.
Humiga na ako sa sofa at pilit na umidlip ng k’unti, dahil kailangan kong gumising ng maaga.
Nasa kalagitnaan na ako ng mahimbing na pagkatulog nang biglang bumukas ang pintuan. Nagising ako dahil inaakala kong si Mama ’yon, at baka kailangan niya ng tulong. Ngunit pagkalingon ko sa aking gilid, ay nakita ko sila mama at dad na mahimbing na natutulog.
Nagsimula na akong kabahan at mataranta. Nais kong ibuka ang aking bibig ngunit walang boses ang lumalabas dito.
Pilit kong kinilala ang pigyura ng taong pumasok sa ward namin, ngunit hindi ko masyadong ma-aninag kung sino ang taong ’to. Dahil na-alimpungatan pa lang ako galing sa pagkatulog, hindi ko rin siya mamukhaan dahil off din ang ilaw sa loob.
Napansin kong palapit ito sa akin. Napagtanto kong nakasuot ito ng ward dress at may bit-bit pang dextrose. Magsasalita na sana ako pero wala paring boses ang lumalabas sa bibig ko.
Lumapit ito sa may tenga ko, at bumulong. Ganon nalang ang gulat ko nang bitawan niya ang kaniyang mga salita.
“It’s me, baby,” bulong nito sa akin.