Chapter Six

1256 Words
Naka-uwi na ako sa amin, at halos bumagsak na ako sa pagod. Maaga pa masyado kaya tulog pa ang mga kapatid ko. Hindi ko alam ba’t pagod na pagod ako sa biyahe. It's a good thing hinatid ako ni Doc. Vanessa, gaya nang sinabi niya. Siguro napagod ako sa bangayan na naman namin ng hudas na Viro na ’yon. Ewan talaga, pero na bu-bwisit talaga ako sa lalakeng ’yon, at ang pilosopo niya pang kausap, parang tanga. Nakakatanga rin sa taong kaausap sa kaniya. Habang tulog pa ang mga kapatid ko, nagsaing muna ako at nagluto ng ulam. There are some stocks of instant goods here, so that's what I'm going to cook. Sa ngayon, kailangan muna talagang magtipid. Pagkatapos ihanda ang hapag kainan, nagwalis ako ng sala at kuwarto. Habang nagwalis nilunod ko na ang mga labahan sa washing machine. Umaga palang, parang kumpleto na ang pang-isang araw na gawaing bahay ko. Naliligo na ako sa pawis at kinuha ang aking cellphone para i-check ito. Pagkatingin ko sa oras, 10:30 na pala ng umaga. Gigisingin ko na sana ang mga bata. Pero pagpasok ko sa kuwarto, ay gising na pala si Mia. “Mia, bumaba kana dy’an. Nakahanda na ang almusal sa lamesa. Anong oras ba kayo natulog? Bakit ang tagal niyong gumising?” paninyermon ko, at bumaba na siya sa higaan. Hindi man lang ako pinansin. Nabangga ito sa akin at nakaramdam ako ng init sa katawan niya. “Mia may lagnat ka, ano ba ang ginawa niyo kahapon? May kinain ba kayong mali?” lumuhod ako para makalebel ko ang height niya. I forgot to mention that Mia is just seven, while Kit is just five. Kaya gan’on na lang ang pag-aalala ko sa kanila. Kung ano ang mangyari sa kanila, ako ang mananagot kase nasa opital sina mama. For now, they’re my first priority. It sucks, but dito sa Pilipinas, it’s a culture. Hindi ko sila p’wedeng iwanan lalo n’at responsibilidad ko ang mga ‘to. “Ang kulit kase ni Kit kagabi. N’ong pinapaliguan ko siya matapos siyang tumae, nakipaglaro pa siya ng tubig. Matapos n’on, nanlamig na ako. Pinagsinabihan ko naman siya eh,” paliwanag niya. Minasahe ko ang sentido ko at napailing na lang. Nakita kong pababa na si Kit sa higaan, kaya nilapitan ko ito, at hinawakan. Pinakiramdaman ko siya at may sinat din ito. Ang sarap nilang pagalitan, pero masyado pa akong pagod para r’on. Pakiramdam ko, ay may sinat din ako. Pumunta ako sa kusina at maghanap ng gamot pang lagnat pero nakita kong ubos na—wala nang laman ang mga bote ng mga gamot. Napahinga na lang ako ng malalim. Gastos na naman ‘to. Tinawag ko ang dalawa para papuntahin na ng mesa upang kumain. “Kumain na kayo. Nakahanda na ang pagkain sa mesa. Lalabas lang ako saglit para bumili ng gamot,” bilin ko sa kanila. “Bili ka po ng chocolate, ate!” Sigaw ni Kit, at tumango na lamang ako. Nasa kabilang kanto lang naman ang butika, kaya nilakad ko lang ito. Sumasakit narin ang tiyan at ulo ko. Nalipasan na nga pala ako ng gutom. Umaga palang pagod na ako at gutom pa. Pumasok na ako sa butika at nag-order ng Paracetamol. Nang dumating na ang order ko ay kinuha ko na ito. Pagkatalikod ko, nabangga ko ang isang Ginang na hindi ko kilala, ngunit alam kong kumare ni mama. Isa siya sa laging inuutangan ni mama tuwing nagigipit kami. Mukhang may balance pa kami ngayon, and sure ako—para sa panandaliang solusyon sa sitwasyon ni Tatay, umutang na naman ito sa Ginang na ’to para sa pampa-ospital. Ramdam ko ang inis nang makita niyang nabangga ko siya. Pero nung nakilala niya ang mukha ko, agad nag iba ang expression ng mukha niya. “Uy! Haviana, ikaw pala iyan hija. Kakagaling ko lang sa inyo, tamang-tama nagkita tayo ngayon dito,” panimulang bati nito. Ramdam ko ang kaplastikan sa kaniyang mga mata at tono ng pananalita. Napayuko na lamang ako. Hindi ko siya masisisi. Magkaibigan sila ni mama, ngunit sino ba naman kase ang hindi maiinis? Eh kulang na lang ay titira na kami sa kanila sa palaging pangungutang namin. Nababayaran naman namin ang mga utang namin. Pero ngayon, natagalan lang talaga, dahil sunod-sunod ’yung mga kamalasang nangyayare sa ’min. “Baka naman hija, makasingil ng k’unti dy’an sa’yo, may trabaho kana naman diba? Ginigipit na kase kami, hija. ’Yung perang hiniram niyo, pambayad dapat ’yun ng koryente eh. Hindi naman ako bumbay para aabot nang halos isang buwanan ’yung paraan ng pagbayad ng mga utang ninyo. Kinakapos din kami, hija.” Nanliit ako sa mga sinabi niya. Nasa loob palang kami ng butika, at marami ang nakakarinig sa amin, at pinagtitinginan na kami ng iba. “Opo ate, sa katapusan po ng buwan . . . sahod ko na. Ipapadala ko kaagad sa bahay ninyo ’yung pera. Pasensya na po, nasa ospital parin kase sila mama. Isang linggo pa ata sila ron—depende, at kung makauwi man sila, i-quarantine pa po sila,” paliwanag ko, medyo linakasan ko ng k’unti ’yung boses ko, habang sinasabi ang paliwanag ko, para naman marinig ng mga nakiki-usyuso ’yung side naming nangungutang. “Kung ganon, hija, siguraduhin mo lang iyang katapusan ng buwan na sinasabi mo ha? Pakikamusta na lang ako sa mama at sa papa mo. Mauna na ako.” Napahinga na lamang ako ng malalim at lumabas na ng butika. Hindi ko na pinansin ’yung mga nagbubulong-bulongan sa loob. Siguro, napag-alaman nila ’yung balitang salpukan ng jeep at motor sa bayan. Kilala ang daddy ko rito sa lugar namin. Tiyak na alam na ng mga tao ang mga pinagsasabi ko. I walked into my house at naabutan ko ang dalawa na nanonood ng TV.Tiningnan ko ang mesa, at nang makita kong naubos nila ang pagkain na inilaan ko, pinainom ko na sila ng gamot at tubig. Ni-check ko ang email ko, pero wala parin akong natanggap na balita. Kumain muna ako ng k’unti at nagpaalam sa kanila ni Mia na matulog muna ako nang saglit, at sumang-ayon naman sila. Pumatungo muna ako sa labahan para magsampay saka pumasok na sa kuwarto at bumagsak sa higaan. Para akong binugbog dahil sa wala akong maayos na tulog. Habang nakatingala sa kisame, agad kong naalala ’yung panaginip—bangungot ko nung nakaraang gabi. Ang kapal ng mukha ng lalakeng ’yon na magpakita sa panaginip ko, at bwisitin lang ako pagkagising. Alam kong siya ’yung napanaginipan ko, dahil siya lang naman ang tumatawag sa akin na gan’on, at nakasuot pa ng ward dress. Sa panaginip ko, may binulong siya sa akin na hindi ko maintindihan. Hinalikan niya ako, bago ako tuluyang nagising. “It’s me, baby. Take care of our child, Via.” ’yon ang sambit nito sa akin, at pagkatapos ay hinalikan niya ako. G*go ang gulo, at strange sa pakiramdam. Para akong naiyak sa panaginip ko, pero ’di ko alam kung bakit? At matapos niya ’yon banggitin, at maglaho, ay nagising na ako, kaya hindi ko na masyadong maalala pa. Muntik pa akong na-late sa usapan namin ni Doc. Vanessa. Buti na lang ay hinintay niya ako, at sinabihan pa akong mahinang nilalang ng hudas na ‘yon. “Meganon? Humuhingi ng pabor, pero late pang dumating? Meganon?" pang-iinis niyang pang bungad kanina nang makarating ako na fifteen-minute-late. Bobo ba siya? Pakiramdam ko tuloy, wala siyang sakit. Chancing lang siguro siya sa ex niya. Napailing na lamang ako, at huli na nang mapansin kong tuluyan na pala akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD