Chapter Seven

1659 Words
Nagising ako sa ingay nang mapagtanto kong tangahali na pala. Liningon ko ang pinaggagalingan ng ingay, at nakita ko sina Mia at Kit na naglalaro. Bumaba na ako para ihanda ang pananghalian nila. Pagkatapos no’n, ay tinawag ko na ’yung mga bata para kumain. Habang kumakain sila, umupo muna ako para i-check ang cellphone ko. Hindi ko na sila sinusubuan dahil kahit five palang ang edad ni Kit, hindi ko na ito tinuturing na parang baby para masanay siya. At saka nakakatamad din—mukhang kaya niya na rin naman. Wala rin si mama. Napailing na lang ako sa sarili, at ibinalik ang aking atensyon sa cellphone ko. Nang mabasa ko ang pangumusta ni Catherene, napangiti na lamang ako. Matagal na kaming walang masyadong komunikasyon, at napaka dalang na lamang na magkita. Nagtipa na ako, para mag-reply sa kaniya. “Cath, kamusta na? Miss na kita,” chat ko sa kaniya. Nag-reply lang ng tawa ako ng loko, at biglang mag-dial. “Beh, kamusta kana hoy!” Bungad nito. Napahalakhak na lang ako. Ganito talaga, kahit walang nakakatawa, tumatawa kaagad basta marinig lang ang boses namin. “Eto . . . Lubog na sa utang,” ani ko. Tumawa na naman ito sa kabilang linya. “Ayan kase, sabi ko sa’yo humanap kana ng Sugar Daddy!” Napamura na lang ako at natawa sa kaniya. Dati pa man ay ’yan na ang laging bukang-bibig nitong kaibigan ko. “Seryoso nga kase, baliw ka talaga,” seryoso nang saad ko. I just heard her chuckle. “Kaya nga napatawag ako sa’yo teh, kase nag-aalala ako sa inyo ni tita. Ikaw naman, parang superhero—feeling kaya ang lahat. Magsabi ka naman sa ’kin bes, kung ano na ang update sa life mo.” napangiti na lamang ako sa kaniya. Bago paman ako magsalita ay nagpatuloy ito sa pagsasalita. “Beh, Via, magkita tayo ngayon. Meron akong k’unting ipon dito. Hindi ko pa naman gagamitin, pwede ko ’tong ipahiram sa’yo. Ayos ba ’yon?” in no certain reason, napaluha na lamang ako. Not because of joy, nor in sadness. But I really found comfort, sympathy, and being touched, especially by the way she talks. Kaya mahal na mahal ko talaga itong kaibigan ko. We’ve been friends for almost forever. Simula bata pa kami, lagi na niya akong sinasalba sa mga problema ko in times when I really need a hand to pull me out of my darkest times. And now, here she is . . . saving me again. “Bes, hindi ko alam ang sasabihin ko. Pero sa ngayon, hindi ko muna tatanggihan ang alok mo ha? Pangako bes, babayaran ko ito,” I said while tears streaming down my face. “Nako! Kung mayaman lang ako, hindi mo na kailangang bayaran ’to bes. At saka isa pa, ikakagalit ko talaga kapag tatanggihan mo ’ko. I literally saved this on purpose, ta’s tatanggihan mo lang? Ano ka gold? Charot, beh. Sana makatulong ’to kahit papaano.” “Laking tulong na nito beh, kung alam mo lang. Sa susunod na araw ko pa buksan ’yung botique namin kaya wala kaming benta ngayon. Pati puhunan, na bayad na sa ospital. Naka-private room kasi sila, beh. Bukas bibisitahin ko ulit sila mama. Sana nga makalabas na sila eh,” I explained wholeheartedly. “Magiging maayos din ang lahat beh, dasal lang tayo. Oh siya, maghanda kana beh, may date pa tayo ngayon. Sa SM na lang tayo mag kita beh, mga alas tres. Ayos lang ba?" sumang-ayon naman ako at nag paalam na kami sa isa’t-isa. I took a bath first, kase nangamoy kadugyutan na ako. Then, I changed clothes. I wear a loose-fit black T-shirt, paired with white skinny jeans and snickers. I tied my hair in a messy bun that revealed my baby hair. I only put on light make-up, para naman di ako ganon ka miserable tingnan. I just laughed at my own thought. I grabbed my sling bag and made sure my phone was inside, as well as my hand sanitizer. I wear a mask, baka sitahin pa ako kase mukha akong virus. Nang mapansin ng mga kapatid kong nakabihis ako, tinanong nila kung saan ako pupunta. “Magkikita kami ni ate Catherene niyo. May ibibigay siya sa atin, para sa kanila ni mama at daddy. Kaya, Kit, wag kang lalabas. Mia, wag mong pababayaan si Kit ha? Bantayan niyo ang isa’t-isa. H’wag niyo basta-basta papasukin ang kung sino. Mabilis lang ako. Ano gusto niyong dalhin ko pag-uwi?” patango-tango lang sila sa mga habilin ko, at namilog ang mga mata sa huling bahagi ng sinabi ko. “Bili ka po ng pizza ate! O di kaya Jollibee,” “Ice cream po!” Napasabunot na lamang ako ng buhok. Ang angas naman ng mga request ng mga batang ‘to—pang mayaman! “Dahan-dahan lang oy! ’Di ko afford ’yan. Iba nalang!” Tumawa naman ang mga loko-loko. “Burger na lang, at saka kahit ano, basta ’yung masarap, ate,” ani ni Kit na nag-lipbite pa. G*go, sasabihin ko sanang ako ’yung masarap, pero mga bata pala ’tong mga kasuap ko. “Basta, sundin niyo mga bilin ko ha? Tawagan mo ’ko Mia kung ’di sumusunod si Kit ha?” “Basta magdala ka ha?” Aba? Binabalik sa akin? “Oo nga!” Nagpaalam na ako at lumabas ng bahay. Naglakad na ako sa daan at pumara ng jeep. Inabot ko na kaagad ’yung pamasahe para wala nang problema pagka-baba, at diretso na ang pagka-baba ko. Medyo traffic ang byahe dahil may mga checkpoints pa—kaurat. I plugged in my earphones and turned my music up loud to relieve myself and relax. Nang makaraos na kami sa checkpoint, ay tuloy-tuloy na ang byahe. Walang silbi ’yung checkpoint, dagdag traffic lang sila. Eh p’ano ba kase, kala mo ano ang chinicheck, ’yung license lang pala. Eh, ano naman ngayon? I texted Catherene na malapit na ako, at pumara na nang makarating na ng SM. Pagpasok ko palang ay nakita ko na kaagad ’yung kaibigan ko since nakaabang ito malapit lang sa entrance. She’s wearing a yellow top and a miniskirt. Sa ganda ng curves ng katawan niya, at bright color na damit, sinong hindi mapapalingon? Kaya agad-agaran talaga siyang mapapansin. Kainggit, ako kase parang carrots lang. “Hoy gaga, nasa ospital lang ang mga parents mo. Nagpapagaling lang sila. Pero ba’t parang nakabihis ka ng pamburol?” bungad niya. Ang lakas pa ng boses na akala mo nasa magkabilang kanto kami nag-uusap. Binatukan ko naman siya sa sinabi niya. “Oo may burol. ’Yung sarili ko kase namatay—patay na patay sa’yo,” Banat ko sa kaniya. Sa halip na kiligin ang baliw, ay may pinagpipindot ito sa cellphone niya. “Hello, babe? Jake? Yes . . . uhm . . . break na tayo. Huh? Oo my bago na ako, si Haviana.” rinig kong sabi niya. Binatukan ko ulit siya at nakarinig naman ako ng tawa at salitang “G*go ka,” sa kabilang linya. “Tara na nga. Hindi mo ba ako i-treat sa restaurant?” sabi ko, sabay hatak sa kaniya. “Ano ka gold? ’Di joke lang. Ayos lang ba sa Jollibee tayo?” sabi nito, at tumango naman ako. Kanina, habang nasa byahe, ay sa totoo lang . . . nahihiya talaga ako kay Catherene. So far, I didn’t remember that may naitulong ako sa kaniya—just like how she always does. Whenever she has problems, all I can give is my emotional support. Nung mga times na down na down din siya, and financially broke, wala akong naitulong. I really felt bad about myself. But now, na nakaharap ko na siya at nag-ayang kumain, nawala bigla ’yung hiya ko. Anong silbi ng hiya ko, kung matakaw ako? Nagmana nga sakin sina Mia at Kit. “Anong ngiti-ngiti mo dy’an? Magiging okay rin ang lahat, beh. Hindi mo pa panahon para tuluyang mabaliw,” ani ni Cath. Inambahan ko siya ng suntok, at inirapan. Tumawa naman ito sa akin. Nakaupo kami malapit sa may counter para madali kami makita. Habang naghihintay ng order namin, I grab the opportunity to thank her with all of her kindness. I looked down and let out a deep breath. Hindi na ako nag-isip ng introduction, because my words will comfortably get out when she's the one whom I will be talking to. “Cath, thank you talaga. Hindi mo alam kung gaano ako kahiya ngayon sa’yo. Except sa pag-treat mo sa ’kin dito. I mean, ’yung tulong mo. I am really financially broke right now, and I don't know kung saan ako makakalapit. I didn't even expect na tatawag ka or something. Na anxiety pa ako kakaisip na mukhang na scam na nga ako ng trabaho ko.” my eyes began to tear up. I thought she'd laugh at me kase para akong baliw na naiiyak. But no, she just genuinely smiled at me and held my hand. “Silly. Via, you are not just a friend to me. You are a sister. At saka, binabalik ko lang din ang mga kabutihan at tulong na ginawa mo sa’kin, those times that I’ve been suffering with my problems too. You saved me too, Via. Akala ko hindi na ako makakatapos ng pag-aaral sa dami ng problema sa bahay. Away pa nang away sina mama at papa that time. That time din, sinisingil na ako ng school sa pang-tuition ko, which is wala akong pambayad. But you stayed and smiled at me, giving me hope. Tandaan mo nga lagi ang mga scenario na ‘yon, Via. Wag kang mahiya, kun’di mahihiya narin akong lalapit sa’yo.” she has the point. Hindi na kinaya ng mga luha ko, at nagsisibagsakan na sila. At ang masaya pa rito . . . is ’yung awkward feeling nang biglang dumating ’yung order naming pagkain, kaya agad akong napapunas ng luha at sipon. Tinawanan naman ako ng bruha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD