HAVIANA KAEDE'S POV “Viro, tama na! Hindi pa nga lumalaki ’yung tiyan ko, napupuno na tayo ng mga laruan dito,” pagrereklamo ko. Simula nang malaman ni Viro na buntis ako, ay hindi niya na tinigilan ang pamimili nang kung ano-ano. Mayroong mga laruan, diaper, baby bottle, mga damit ng newborn, pati dress ng bata . . . meron din! Hindi ko pa nga alam kung lalake ba ang magiging anak ko, o babae. Mamaya baka tae lang ito na tumitigas eh. “Viro, p’wede mo ba akong tulungan sa pag-arrange nito?” ani ko sa kaniya. Lumapit naman siya sa akin, at iniligpit ang iilan sa mga laruan na pinamili niya. Sa sobrang dami ng mga laruan at kung ano-anong bagay na pinamili niya, ay nagkalat na ito sa buong kuwarto namin. Meron pa sa sala, na nilalaro niya kanina. Parang bata. Tiningnan ko lang siya n