“I didn't ask you for marriage just because I wanted to prove to Captain Lucas that I was married. I told you I wanted to look after you and accept responsibility for what we'd done.I want you to stay, be with me, and make you safe. ” Nakayuko lang si Viro, habang nagsasalita. Nanatili paring nakatikom ang bibig ko habang nakikinig sa kaniya. Bukod sa nais ko siyang patapusin sa kaniyang paliwanag, kaya hindi ako makakapagsalita, ay wala talaga akong masabi. Seryoso akong nakinig sa kaniya, at pilit kong iniintindi ang situwasyon. Buti na lang ay hindi gano’n ka kitid ang utak ko para agarang sapawan siya sa pagsasalita upang maiparating lang ang saloobin ko. Muli niya akong hinarap at hinawakan ang kamay ko. “You trusted me with your body. Hopefully, your heart will follow. Wala akong