Kumukulo na ang tiyan ko, at hindi parin ako binigyan ng pagkain ni Viro. Sinabi ko na sa kaniyang maayos na ang pakiramdam ko, ngunit sabi niya ay thirty minutes pa raw ako maghintay. Iyon daw ang bilin ng nurse upang maiwasan ang tonsils. Pinagmasdan ko lang si Viro na abala sa pagtitipa sa kaniyang laptop, at seryoso sa ginagawa. Sandali itong tumitingin sa akin sabay ang pagngiti ng kaunti. Pansin ko rin ang lagi niyang pagkamot sa ulo, o hindi kaya ang madalas na paghinga ng malalalim. “Sh*t . . . Oh, okay,” mahinang tugon nito ngunit rinig ko parin. Nababaliw na ata siya. “Kanina kapa dy’an. Ayos ka lang ba?” ani ko at tanging buntong hinga lang ang sagot nito. “Okay, let's eat,” sabi niya saka isinantabi ang kaniyang laptop at bumaba sa higaan saka naglakad papunta sa higaan ko