VIRO HORIBE'S POV “What the hell is wrong with you? What exactly do you need? ’Di ba pinatumba na kita sa daan kahapon? Pwede ba, lubayan mo na ako—” Napahinto ako sa pakikipagbangayan kay Justin nang makarinig kami ng sigawan sa kabilang room. Lumabas ako sa ward ko, at nakasunod parin si Justin na kumakapit pa sa likuran ko. Inis ko siyang tiningnan, saka nakiusyuso sa naganap. Tumahimik na ang sigawan, nang biglang lumabas ang isang babaeng umiiyak. Takbo-lakad ang ginawa nito hanggang sa mabangga ito sa akin. Hindi ito nagsalita o humingi man lang ng paumanhin, dahil nagmamadali ito. Tinitingnan ko lang siya, habang palayo siya nang palayo sa paningin ko. Biglang nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong kilala ko ang babaeng iyon. “Baby,” I exclaimed abruptly. “H-huh?” pagtataka