HAVIANA KAEDE'S POV Everything went black. Ganito pala ang pakiramdam kapag mamamatay ka na. I've always been wondering what's the feeling of being dead is, and now here I am. It is comfy and smells like sanitizer. Am I in the coffin already? Ganito pala ang loob ng kabaong? Amoy alcohol? Wait, what? When reality hits me, agad kong minulat ang mga mata ko. “What the hell?” I blurted out as I saw the surroundings. Niliraw ko ang paningin ko sa paligid, at napagtanto kong nasa loob pala ako ng ward, at hindi sa kabaong. Dalawang higaan ang nandito. Isa sa akin, at isa naman sa katapat nito. Panaginip lang ba ang lahat? Bakit ako nandito? Umupo ako at inalis ang kumot na nakabalot sa akin. Napahinto ako nang makita ang paa kong nakabalot ng bandage. Hindi ’yon panaginip. Tumalon tal