Part 53: Ang Hari ng Elyorac

2132 Words

Crimson Bullet Season 2 AiTenshi April 25, 2021 Part 53: Ang Hari ng Elyorac TENJO POV “Umalis na kayo! Lalo tayong mahihirapan na talunin si Linus kapag nakuha niya ang isa man sa inyong dalawa!” ang sigaw ko at noong maitulak ko sila gamit ang aking enerhiya at mabilis kong sinuntok ang lupa at dito nagsimulang magkaroon ng tubig sa paligid at gayon rin sa aming mga paa.  Umangat ang tubig na iyon sa aming paligid at naging isang malaking pader. “Hmm, hindi na masama Tenjo, para sa isang katulad mong bago pa lamang nahawakan ang kapangyarihan ni Penelope ay masasabi kong may talent ka talaga pero sana ay nag aral ka ring lumipad!” ang wika nito at dito umanga ang paa niya sa tubig saka mabilis na sumibat sa ere, pader lang ang mayroon sa aming paligid at wala itong harang sa itaas.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD