Crimson Bullet Season 2 AiTenshi Part 54: Sakripisyo TENJO POV Sa isang iglap ay nawala ang ginawa kong harang. Nagsabog ang mga bloke ng yelo sa paligid kaya ito ang ginamit ko para makapagkubli. Sa sobrang lakas ng kanyang kapangyarihan ay tila ayaw na gumalaw ng aking tuhod. Ang nakapagtataka ay kahit anong bilis ng gawin kong paghihilom sa aking mga sugat ay tila mabagal pa rin ito. "Ang sugat na dulot ng aking kalasag ay hindi agad naghihilom. Aabutin ito ng ilang oras pa bago tuluyang magsara, ang tanong ay kung hanggang saan ka tatagal?" ang wika niya habang lumalapit sa akin. "Huwag mo akong maliitin, pagsisisihan mo na ginagawa mo akong kalahi mo!" ang sagot ko at muling lumabas ang enerhiya sa aking katawan dahilan para umusok ang aking mga sugat at mas mabilis itong maghil