Kabanata Three

1683 Words
Kabanata Three   Josh Dale POV Kinabukasan pagpasok ko sa opisina gusto ko na lang sanang hindi pumasok "Hindi mo nanaman daw sinipot si Krystal” sabi ni Lolo pag pasok ko sa opisina ko kaya napabuntong hininga na lang ako "Lolo pwede ba I had enough!" sabi ko sa kanya "Hindi ko gusto yang pinapakita mo na yan Josh Dale” sabi nya sakin kaya napailing ako "Lo, please stop controlling me! Hindi nyo ko mapapapayag sa gusto nyo!" sabi ko sa kanya na lalong ikinagalit nya "Sa ayaw at sa gusto mo papakasalan mo si Krystal! Hindi na ko bumabata JD! Hindi ako makakapayag na hindi si Krystal ang makatuluyan mo!" sabi nya sakin at galit na lumabas ng opisina ko. The f**k! Napayukom ako ng kamao ko at sinuntok ang lamesa ko sa inis. Bakit pa kasi kailangan kong pakasalan si Krystal para lang sa letcheng kasunduan na yon! Dahil sa pagkontrol nila sakin ung babaeng mahal ko nawala sakin at ngayon hindi ko alam kung asaan sya at kung paano ko sya hahanapin. "Sir Mr. Aragon is here" sabi ng secretary ko sakin kaya kumunot ang noo ko Ano ginagawa ni Rogi dito? As far as remember wala kaming usapan na dalawa. "Let him in" sabi ko sa kanya at tumango naman sya sakin saka pinapasok si Rogi. "Jd" tawag nya sakin "Rogi anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya "May ibibigay lang ako sayo baka interesado ka" sabi nya sakin kaya kumunot ang noo ko at inabot nya sakin ang isang envelope at akmang bubuksan ko na yon ng mag salita sya "Huwag mo munang buksan, sa New York mo na yan bukasan wag dito” sabi nya sakim kaya mas lalong kumunot ang noo ko sa kanya "Rogi nagtataka na ko sa mga kinikilos mo, binigay mo to sakin tapos ayaw mong pabuksan” sabi ko sa kanya at ngumiti sya sakin "Basta gawin mo na lang saka hindi ako sasabay sa inyo next week! Aalis na ko bukas! I'm flying back to London tomorrow afternoon" sabi nya sakin "Teka nga ano ba meron sa London?" tanong ko sa kanya “Negosyo namin” sabi nya sakin “Aalis na ko” sabi nya sakin kaya tumango ako sa kanya. Tinitigan ko ung binigay nyang envelope sakin, ano kaya ang meron dito? Bakit ayaw nya pang ipabasa? Napakamisteryoso mo ngayon Rogi at hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo sana lang hindi sya nagtatago samin. "Bring me my coffee please" sabi ko sa secretary ko ng tawagan ko sya "Okay sir" sagot nya sakin at after a few minutes dumating na sya dala ang kape ko"Sir andyan po sa labas si Inspector" sabi nya sakin "Bakit Hindi mo pa pinapapasok?" tanong ko sa kanya "Eh sir may kasama po sya” sabi nya sakin "Sino?" tanong ko sa kanya "A certain Mr. Jacinto daw po!" sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako "Let them in at wag na wag kang magpapapasok ng kahit na sino hanggang walang pahintulot ko! Makakaalis ka na!" sabi ko sa kanya "Yes sir!" sagot nya sakin at tumango saka pinapasok ang private investigator ko "Good day sir" bati nya sakin "Do you have good new for me?” tanong ko sa kanya "Sir may bagong impormasyon ho akong nakuha" sagot nya sakin kaya kumunot ang noo ko "Ano yon?" tanong ko sa kanya "Kaya lang ho hindi ko alam kung maniniwala kayo o hindi sa impormasyon na hawak namin” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako "Wag ka ng mag paligoy ligoy pa and go straight to the point" sabi ko sa kanya "May kinalaman ho ung Kuya nyo aa mga impormasyon na nakalap namin. Hinaharang ho ng kapatid nyo lahat ng pwedeng magturo kung asaan ang babaeng ipinahahanap nyo sakin” sabi nya sakin kaya napayukom ako ng kamao ko "Wag nyo kong pinagloloko hindi kayang gawin ni Kuya sakin yon!" sabi ko sa kanya "Yan din ho ang pinagtataka namin pero ito ung magpapatunay" inabot nya sakin ang isang envelope at agad kong binuksan yon. "Andyan ho ang mga litrato at dokumento na magpapatunay na ang kapatid nyo nga ho ang humaharang sa paghanap sa babaeng mahal nyo” sabi nya sakin at isa-isa kong tiningnan ang mga litrato at tama nga sya, si kuya to at kuha to sa ilang mga restaurant. “Anong motibo ni Kuya para gawin sakin to?” tanong ko sa kanila "Yan sir ang aalamin pa namin. Pero andyan din sir na binabayaran nya ung dati nyong investigator para ibang impormasyon ang napunta sa inyo at para iligaw kayo kung asaan nga ba ang babaeng mahal nyo” sabi nya sakin "Keep an eye on him at bantayan nyo ang lahat ng kilos ni Kuya. Kapag may nabalitaan kayo tungkol kay Belle saakin agad kayo dumiretso." Sabi ko sa kanila at tumango sila sakin "Sige ho sir pero mas mainam ho na kausapin nyo din ho ung kapatid nyo mukang may alam pa sya" sabi nya sakin kaya tumango ako sa kanya "Sige, makakaalis na kayo" sabi ko sa kanila at umalis na agad sila, ako nalang ang naiwan na mag isa dito sa opisina ko at kinuha ko ulit ung envelope at isa-isang tiningnan lahat ng laman non. Kuya anong ginawa ko sayo para ganito ang iganti mo sakin sa lahat ng ginawa ko! "PUTANG INA" sigaw ko saka ko hinagis ung envelope na hawak ko dahil sa sobrang galit ko kay kuya. Hindi ako makapaniwala na magagawa nya to sakin, kapatid nya ko pero nagawa nya to!   Her POV Asa mall ako ngayon para maghanap ng ireregalo kay tita at hindi masyadong mapili sa bagay si tita at sobrang bait nya. Iniisip ko nga na perfume ang ibigay dahil mahilig naman mag collect ng perfume si tita pero nung nadaan ako Sa LV kanina may makita kong bag na babagay kay tita. Ang kailangan ko na lang talaga ay ang mag decided kung alin sa dalawa ang bibilin ko. Last birthday kasi ni tita, binigyan ko sya ng shoes ang elegant kasi tingnan saka bagay kay tita yon. Nakapagdesisyon ako na mag iikot ikot muna ko dahil wala naman akong masyadong bibilin dahil nakapag grocery na kami kahapon ni Tristan. Speaking of Tristan hindi pa pala nya ko tinatawagan baka busy. After ng dinner namin umuwi na sya agad dahil may gagawin pa daw sya pero kausap ko naman sya kagabi bago matulog and he texted me this morning na tatawag nya daw sya sakin. Nasanay na kasi ako na every time tumatawag sya. Simula nang naging kami hindi nya nakakalimutan kahit anong detalye tungkol sakin. For years na lagi ko syang kasama na immune na ko sa presensya nya. dalawang na taon na kaming mag karelasyon na dalawa One-year kasi syang nangligaw. Hindi naman kasi lahat ng tao ganon kabilis makalimot sa lahat ng bagay. Sa Limang taon na lumipas ung dalawang taon at kalahati don inubos ko para para makalimot at maayos ang Buhay ko. Hindi kasi agad agad na mabubuo mo ung sarili mo kahit kilala ko na si Tristan nung mga panahon na yon hindi naman agad agad na kaya nyang buoin ung nasira sakin. Kalahating taon pa bago ko na sabi na eto na handa na talaga akong mag mahal ulit na I will take a risk para sa puso ko at para sa ikakasaya ko. I'm so blessed to have Tristan in my life. Hindi ako nagsisisi na sinagot at minahal ko sya. Sa ilang na taon na pagsasama namin kahit lagi kaming nag aaway minsan andon pa din ung sa huli na alam namin sa bawat isa ung pagkakamali at pagkukulang kaya agad din kaming nag kakaayos. Hindi kasi kami parehas ni Tristan, magkaibang magkaiba nga ang ugali namin eh pero sabi nga opposite attract.Ang lalim masyado ng pinanghuhugutan ko. Napabuntong hininga na lang ako at nag focus na sa bibilin ko. After kong mag ikot ikot may nakita kong bag sa isang luxury store at gusto ko sya as in gustong gusto. Hindi ako maluho hindi katulad noon na pag may napagtripan lang bibilin na. Iba na ngayon practical na dapat. I just fell in love with the bag. I think bibilin ko to bago pa ko magsisi dahil hindi ko binili. After all the hard work siguro naman pwede kong bigyan ng reward ung sarili ko kasi the last bag or things that I buy for my self is last 6 months pa. Ung expensive lang naman tulad ng luxurious bags na ganito.I didn't hesitate to go inside the stall and ask the sales lady for the bag "Miss can I take a look at this bag?” tanong ko sa kanya "Yes Mam” sagot nya sakin kaya ngumiti ako at inabot na nya sakin yon, ang ganda nya. Sure, na talaga ko na bibilin ko to at ang next bili ko na ulit siguro ay pag nayari ko lahat ng tatlong reports and the upcoming presentation in the following months."I will get it" sabi ko sa agent  at agad naman nyang dinala sa cashier kaya sumunod na ko. A few minutes of waiting bitbit ko na ung paper bag palabas ng store. Okay next is ung pang regalo at nakapag isip isip na ko at ung bag na nakita ko kanina ang bibilin ko para kay Tita at alam kong magugustuhan nya yon. Wala naman akong masyadong gagawin sa mall I decided na umuwi na Lang muna kasi maaga pa naman. Mamaya pupunta ako kila Tristan kasi nag yaya ng dinner si tita bukod pa ung dinner tomorrow. Dumaan muna ko sa coffee shop to buy some frappe. Syempre ung non caffine dahil up to now bawal pa din ako. Hindi naman sa bawal na bawal pero syempre hindi pwedeng madalas at ng makatapos ako nag punta na ko sa parking lot para sumakay sa kotse ko at umuwi na nang biglang nag vibrate ang phone ko. May tumatawag sakin at nanlaki ang mata ko ng makita kung sino yon kaya natigilan din ako. Rogi is calling me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD