Kabanata Four
Her POV
Tiningnan ko ang cellphone habang nagri-ring yon, hindi ko alam kung bakit ako tinatawagan ni Rogi ngayon pagkatapos ng lahat ng nangyari. Napabuntong hininga ako at agad kong sinagot ung tawag nya "Hello, bakit napatawag ka?" tanong ko sa kanya "I’m on my way, pupuntahan kita ngayon dyan asa airport na ko ngayon” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako, pag naiisipan nyang pumunta dito pumupunta sya at minsan magugulat na lang ako asa harap na sya ng pinto ng unit ko “Bakit naisipan mo na naman pumunta dito? Ano na naman pumasok sa isip mo? Hindi ba sila nakakahalata sa ginagawa mo saka alam ba ni Trisitan?” tanong ko sa kanya at napailing na lang "Wala silang malalaman Belle kaya kumalma ka dyan dahil hindi nila malalaman kung asaan ka unless ikaw mismo ang magsasabi sa kanila” sabi nya sakin “Hindi mangyayari yon Rogi, wala akong balak na bumalik pa dyan para guluhin sila” sabi ko sa kanya at narinig ko ang pagbuntong hininga nya “Bahala ka Belle, basta pupunta ko dyan at alam n ani Tristan dahil sa kanila ako tutuloy ngayon” sabi nya sakin "Sige kung ganon, anong oras dating mo dito?" tanong ko sa kanya "Dinner time na siguro at paniguradong may pa dinner si tita ngayon” sabi nya sakin kaya napailing ako, ang tita na tinutukoy nya ay ang mommy ni Tristan, close sila ni Trisitan at hindi ko alam kung bakit basta ang sabi nya lang sakin matagal na silang magkakilala at baka noong umalis si Rogi non. "Tapang naman ng hiya mo Rogi” sabi ko sa kanya, may bahay naman sila dito pero mas gusto nyang makituloy samin "Sinusulit ko lang ang pagpunta ko dyan para dalawin kayo saka sila tita naman ang nag o-offer. I need to end the call boarding na ko, see you later” sabi nya sakin at ipinaba na ang tawag kaya napailing ako. Maisipan talaga minsan nitong si Rogi, sana lang talaga walang makaalam na dito lang ako nagtatago dahil ayoko pa silang makitang lahat dahil guguluhin ko lang sila panigurado pag nagpakita ako sa kanila. Hindi naman nawala ung communications namin ni Rogi, nang magpunta ako sa US si Rogi ung tumulong sakin para makaalis dahil alam kong ipapahanap nila ako at ite-trace ung mga flights na pwede kong sakyan paalis ng bansa dahil sa koneksyon ng pamilya ko lalo na ng pamilya ni Jd at mabilis nila akong mahahanap pag ganon kaya si Rogi lang ang makakatulong sakin dahil sya ang makakagawa ng paraan para makaalis ako ng bansa na hindi nila makikita pero kahit kelan hindi ako humihingi ng balita tungkol sa mga nangyayari sa kanila kay Rogi, hindi ako nagtatanong dahil baka pag nalaman ko kung ano ung lagay nilang lahat, lahat ng sinakripisyo ko mawala dahil hindi ko siguro matitiis na hindi sila makita kung ganon ang nangyari kaya kahit mahirap kinakaya ko ngayon. Ilang taon na kong nagtitiis at hindi eto ang panahapon para sumuko ako. Parang kung kelan ko lang nakasama ung totoo kong magulang pero eto ako ngayon limang taon nagtatago sa kanila na para bang may ginawa akong kasalanan sa lahat. Huminga ako ng malalim at inalis na sa isipan ko ang lahat ng yon, ayoko nang isipin yon dahil nakakapagod lang. Hindi ko namamalayan na nakarating na pala ko sa apartment ko dahil as sobrang dami kong iniisip, ibinaba ko ang ilang pinamili ko at pumasok na sa loob ng unit ko. Pag pasok ko sa lood kumuha ko ng tubig sa ref at inimom yon, inayos ko lang saglit ang pinamili ko at pumasok na ko sa kwarto nang mag ring ulit ung cellphone ko kaya tiningnan ko yon, tumatawag si Tristan kaya sinagot ko agad ang tawag nya. "Hello" sabi ko sa kanya ng sagutin ko ang tawag nya "Hey, how are you?” tanong nya sakin “I’m fine, kakauwi ko lang” sabi ko sa kanya “Where did you go?” tanong nya sakin, ngayon lang nya kasi ako tinawagan “Nagpunta po ako sa mall” sabi ko sa kanya “You should have told me para masamahan kita” sabi nya sakin kaya napangiti ako “Hindi na kailangan kaya ko naman ang sarili ko saka may trabaho ka pa ngayon, may pinapagawa sayo si tito at yon muna ang isipin mo” sabi ko sa kanya kaya natawa sya “I miss you” sabi nya sakin kaya ako naman ang natawa “Kagabi lang magkasama tayo Jd saka mamaya pupunta ko sa inyo” sabi ko sa kanya at ngumiti “Okay, but did Rogi call you?" tanong nya sakin "Yes he did at dadating daw sya ngayon" sabi ko sa kanya “I know and he will join me to my trip next week” sabi nya sakin kaya napatango ako “By the way I will call you later may tatapusin lang ako” sabi ko sa kanya at humarap na ko sa laptop ko para mag check ng email “Stop working, you can do that in the office. You should rest” sabi nya sakin kaya napangiti ako "Don't worry hindi naman ako mag bababad sa laptop may titingnan lang akong email at may ire-review na file” sabi ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya "Okay but you should rest, I love you” sabi nya sakin "I love you too bye" sabi ko sa kanya at ibinaba na ang tawag. Walang alam si Tristan sa nangyari sakin five years ago kahit pa malapit sila ni Rogi, hindi nya alam kung ano ang pinagdaanan ko at hindi ko alam kung paano ko sasabihin yon sa kanya pero alam kong dadating din ang araw na kailangan ko ng sabihin yon sa kanya. Ang alam lang nya na, best friend ko si Rogi and he is helping me yun lang at ang alam lang din ni Tristan nasa pilipinas ung parents ko at may adoptive parents ako at kilala ko ung biological parents ko pero hindi namin madalas mapagusapan yon at hanggang don lang ung alam yya saka ung sa sakit ko. He still doesn't know the main reason kung bakit ako andito sa UK pero hindi naman habang buhay makakapagtago ako sa kanya ng sekreto. Mahal ko sya at deserve nyang malaman ung totoo. Hindi naman madalas bumisita si Rogi dito sa UK dahil mahahalata sya natataon lang na may business sila dito kaya un ung nagiging excuse nya para pumunta dito pero kahit na ganon may kaba pa din akong nararamdaman kasi baka isang araw magulat na lang ako asa harap ko na pala ang mga taong iniiwasan ko. Minsan naiisip ko si Kuya kung hinahanap nya ba ko o may alam na ba sya kung asaan ako. I know Mark he will do his best para makita ko. Sana lang alam ni Rogi kung paano ung gagawin. Dahil hindi pa ko masyadong handa. Dadating din ung time na babalik ako sa Pilipinas at haharapin ang lahat and I hope Tristan will be there at my side when I face them, he will always stay at my side hopefully. Hay i-check ko na nga muna ung bagong email na dumating at sure akong ung isang report yon na ipapasa sa Monday. Busy muna ko sa trabaho ngayon kahit nan aka-leave ako. Isa isa kong tinitingnan lahat ng accounts at balances lalo ung ung cash flow. Ayokong magkaroon ng error dito sa report na to dahil importante ang perang pumapasok at lumalabas sa kompanya, malapit na din kasi ang annul audit. Nagpapasalamat ako sa team ko dahil halos lahat ng trabaho nila maayos. Inabot na ko ng hapon sa pag re-review ng mga file at five o’clock na ng hapon, ganon na pala ko katagal nakatutok sa ginagawa ko. kailangan ko ng mag handa dahil pupunta pa ko kila Tristan ngayon. Sinara ko na ung laptop at nag hanap na ko ng isusuot na damit, pagakatapos kong pumili ng damit na isusuot pumasok na ko sa banyo para maglinis ng katawan ko. Tiningnan ko sa salamin ang sarili ko at napatingin ako sa pahilom na peklat ko, eto ang nagpapatunay na madami akong pinagdaanan. Matapos ang kalahating oras nayari na din ako sa paliligo, nag blow dry na lang ako ng buhok ko at nagbishis saka nag apply ng manipis na make up. Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog yon at paniguradong si Tristan na yon kaya ng makita kong sya ang tumatawag dgad ko naman na sinagot ung tawag nya. "Hey!" sabi ko sa kanya "Are you ready?" tanong nya sakin "Not yet saka maaga pa naman" sabi ko sa kanya dahil mamayang seven o’clock ang usapan namin "Oo nga pero sabi mo kasi tatawag ka sakin mukang puro trabaho na naman ang ginawa mo" sabi nya kaya natawa ako "Hindi Kaya!" sabi ko sa kanya "I know you Belle and don’t deny it" sabi nya sakin kaya napangiti ako "Okay fine, nagtagal lang naman ako dahil binasa saka tiningnan kong mabuti lahat ng file saka mahirap ng magkaroon ng error" sabi ko sa kanya "But I told you don't stress yourself to much" sabi nya sakin "I didn't stress myself okay, wag ka ng magalit dyan!" sabi ko sa kanya "Ayoko lang naman kasi na puro trabaho yang inaatupag mo. It's not good for your health" sabi nya sakin at nakukuha ko kung saan sya nang gagaling "Opo boss di na po mauulit, wag ka ng magalit dyan" sabi ko sa kanya at pinalambing ang boses ko kasi sinesermunan na nya ko "Ganyan ka naman pag napapagalitan ka, dinadaan mo ko sa lambing mo" sabi nya sakin kaya napangiti ako “eto naman wag ka nang mainis promise di na ko mag o-open ng mga files at emails ko pagdating ko syan kaya kumalma ka na” sabi ko sa kanya "Okay fine, dito ka na din sa bahay matulog" sabi nya sakin "Naku kaya ka yata naiinis kasi para mapatulog mo ko sa inyo eh" sabi ko sa kanya at tumawa "Hindi ako na iinis dahil gusto kong dito ka sa bahay matulog, naiinis ako kasi ang tigas ng ulo ng girlfriend ko" sabi nya sakin “Okay sige, mag aayos na lang ako ng gamit ko at mamaya andyan na ko” sabi ko sa kanya “I love you" sabi ko pa at ngumiti "I love you too" sabi nya at ibinaba ko na ang tawag. Mabilis na kong gumayak saka umayos ung mga dadalin ko, syempre di ko dapat makalimutan ung regalo ko kay tita para bukas iiwan ko na lang sya sa kotse ko. Nang matapos ako sinigurado ko munang okay ang lahat bago ko umalis. Hindi naman masyadong malayo ung bahay nila Tristan mga twenty minutes’ drive lang sya mula dito sa apartment ko kaya maaga akong makakapunta don para makatulong na din kay tita na mag prepare. Nagdrive na ko papunta sa kanila and after twenty minutes nakarating na din ako. Tinawagan ko lang si Tristan to inform him na andito na ko sa kanila, pinapapasok naman agad ako kasi kilala na ko dito dahil madalas akong pumunta dito para dumalaw kila tita. "Hello, andito na ko" sabi ko kay Tristan ng masagot nya ang tawag ko "Okay sige lalabas na ko para salubungin ka" sabi nya sakin kaya ibinaba ko na ung tawag, iginarahe ko na din ang sasakyan ko sa tayo ng sasakyan ni Tristan dito sa carport nila. Pagkapark ko bumaba na ko at bitbit ko na lahat ng mga gamit ko. Feeling ko hindi na ko makakauwi hanggang monday morning na ko dito dahil birthday din ni tita. Naglakad na ko papunta sa may front door at don ko naabutan si Tristan "Hey ako na magdadala ng gamit mo" sabi nya saka ako hinalikan sa pisngi. Inabot ko naman sa kanya ung gamit ko at naglakad na kami papasok sa loob ng bahay nila. "Pawis na pawis ka ano ba ginawa mo?" tanong ko sa kanya "You know mom, andaming pinagawa sakin pagkatapos kong magawa ang pinapagawang repot ni Dad” sabi nya sakin at para bang nagsusumbong as if naman kakampihan ko sya sa bagay na yon "Okay na yon para exercise" sabi ko sa kanya at tinawanan ko sya kaya napailing sya "Ilalagay ko lang to sa kwarto, asa kusina si Mommy" sabi nya sakin kaya tumango ako sa kanya "Okay" sagot ko sa kanya at pumunta na ko sa kusina para puntahan si Tita "Ayusin nyo yan! Make it perfect... " sabi ni tita sa mga kasama nya dito sa kusina at ng lumuingon sya sa gawi ko tinawag nya ko "Belle!!" sigaw nya at nilapitan ako kaya bumeso ako sa kanya "Hi tita, how are you?" tanong ko sa kanya "I'm fine, I just a little bit tired" sabi nya sakin "You should rest tita ako na po bahala dito, May gagawin pa po ba? I can help" sabi ko sa kanya at ngumiti "No, I'm fine. Wala naman ng masyadong gagawin at bahala na sila dyan, tara na lang muna sa entertainment room” sabi nya sakin "Okay po" sagot ko sa kanya at inakay nya ko paakyat sa taas "I heard Tristan a while ago talking to Rogi" sabi ni Tita sakin "Nasabi nga po ni Tristan nung Tumawag sakin kanina, darating po kasi si Rogi ngayon" sabi ko sa kanya "Oo nga kaya pinaayos ko na din ung guest room para sa kanya, alam mo naman yon pagpupunta dito saamin laging dumidiretso hindi sa kanila" natatawang sabi ni tita at tama naman si tita don dahil ganon nga si Rogi. Nang makarating kami sa entertainment room agad nyang binuksan ung TV at umupo kami sa couch "Tita ssan nga po pala si Tito? Hindi ko pa po sya nakikita" tanong ko kay tita "Asa study room siguro, alam mo naman yon puro trabaho parang si Tristan, Ung bata na yon napaka dalang na umuwi dito. Uuwi lang yon pag sinabi ko sa kanya, mas gusto pa nyang tumabay sa opisina nya o kaya naman sa condo nya kesa dito sa bahay” sabi sakin ni tita at napailing sya "Sinasabihan ko nga po na wag puro trabaho pero binabalik din po sakin ang sinabi ko” sabi ko kay Tita kaya napabuntong hininga sya "Tita Belleeeee" sigaw ng isang bata at biglang bumukas ung pinto saka non iniluwa ang isang cute na bata at asa likod nya si Tristan "Ayan na ang makulit" sabi ni tita sakin kaya natawa ako "Hi baby, how are you?" tanong ko sa kanya at yumakap sya sakin "I miss you Tita" sabi nya sakin kaya napangiti ako "I miss you too" sabi ko sa kanya at humiwalay sa yakap naming dalawa "Ang tagal mong bumalik tita si tito lagi po akong iniinis” sumbong nya sakin kaya tiningnan ko si Tristan na nagkibitbalikat lang "Mukang nagsusumbong ka na ah" sabi ni Tristan sa kanya at binuhat sya "kasi lagi mo kong inaaway tito" sabi nya kay Tristan at inirapan sya nito "Maiwan ko muna kayo" sabi ni Tita samin kaya tumango ako "Hey son asikasuhin mong mabuti tong si Belle!" sabi naman ni tita kay Tristan "Yes mom, kelan ko ba pinabayaan tong girlfriend ko" sabi nya kay Tita "Dapat lang alagaan mo si Belle kasi malalagot ka sakin kung hindi" sabi ni tita sa kanya at umalis kaya natawa ko. "Baby asan si mommy mo and your tita Alice?" tanong ko sa kanya at ibinaba sya ni Tristan sa tabi ko "Downstairs po" sagot nya sakin "Asan si Kuya?" tanong ko naman kay Tristan "Kausap ni Dad Sa office nya” sabi nya sakin “Eh bakit andito ka?” tanong ko sa kanya "Ito kasing batang to ayaw umalis sa daddy nya kaya nilabas ko muna at sinabi ko na andito ka” sabi nya sakin kaya napatango ako at tumingin ako sa batang katabi ko “You miss me so much little girl?" tanong ko sa kanya "Yes tita" sagot nya sakin at tumango, ang cute nya talaga "You’re so adorable baby, ampunin na lang kaya kita” natatawang sabi ko sa kanya saka tumingin kay Tristan "Bakit mo pa aapumin yan pwede naman tayong gumawa ng atin" sabi sakin ni Tristan kay napailing ako sa kanya "Magtigil ka nga" sabi ko sa kanya at inakbayan nya ko, asa ganong posisyon kami ng biglang pumasok si ate Gwen "Hoy wag kayong maglandian sa harap ng anak ko!" Natatawang sabi ni ate Gwen samin ni Tristan "Hey, Kuya pinapatawag ka ni Dad hindi ka na daw bumalik pag katapos mong ihatid tong batang to kay Ate Belle” sabi ni Alice kay Tristan na kakapasok lang "Oo na babalik na ko" sabi nya pero bago sya umalis hinalikan nya pa ko. "Hoy Layas na" sabi ni Alice saka sya binalibag ng unan "Alam mo ang sungit sungit mo kaya wala kang boyfriend eh" sabi ni Tristan at biglang umalis kaya napailing ako “May araw ka din sakin” sigaw ni Alice sa kuya nya pero hindi naman na painuradong narinig ni Tristan yon "Lagi na lang kayong nag aaway ni Tristan!" sabi ni ate Gwen kay Alice "Wala na yatang bago don ate eh" sabi ko naman sa kanya "Kahit kelan talaga si Kuya lagi akong iniinis wala na atang magawa sa buhay nya kung hindi ang inisin ako” sabi ni Alice kaya natawa ako. Ibang iba si Tristan pag kami ang kaharap nya, napaka seryosong tao nya pag asa opisina naman na kami at iba ung kaharap nya natatakot sa kanya dahil sobrang seryoso nya at aakalain mong masungit sa umpisa. Naalala ko tuloy ung una naming pagkikitang dalawa kung paano kami nagkakilala at kung paano nya nabago ang buhay ko simula non.
Flashback
I need some fresh air kaya lumabas ako ng bahay at nagpahangin nakakastress ang dami kong ginagawa kaya kailangan kong mag relax at ipahinga ang isip ko dahil hindi naman ako pwedeng ma-stress. Nag lakad lang ako ng naglakad hanggang makarating ako sa may bar area, medyo malapit kasi ang tinutuluyan ko ngayon sa ganitong lugar. Hindi ako pumasok syempre pero mukang mapapahamak pa ata ako neto dahil may mga lasing na papunta sa direksyon ko kaya agad akong tumalikod at naglakad na palayo para bumalik sa apartment ko pero mukang naabutan ako. s**t! "Hey miss wanna hang out with us” sabi nila sakin pero hindi ko sila pinansin at patuloy lang akong naglakad palayo, malaking pagkakamali na dito ako gumawing maglakad "Come join us!" sabi nila sakin at nanlaki ang mata ko ng maabutan nila ko at hinarang na nila ang dadaanan ko. s**t talaga! Pilit nila kong hinahawakan pero pumipiglas ako "Don't touch me!" sabi ko sa kanila at sana lang may tumulong sakin. "Tough ha! I like that!" sabi nung isa sakin at nilapitan ako saka hinahawakan pero lumalayo ako, nagsisimula ng kumabog ang dibdib ko at hindi na to maganda. "I said don't touch me!" Sigaw kosa kanya "Hey are you deaf? She said don't touch her" sabi ng isang lalaki sa likod ko kaya lumingon ako don "Stay out of this!" sabi sa kanya ng mga lalaking huma-harass sakin. Please wag kang aalis sabi ko sa isip ko, Nakakaramdam na ko ng hirap sa paghinga dahil kinakabahan ako. Ngumisi lang sya saka unti unting lumapit samin at itinago ako sa likod nya "Back off!" Sabi nya sabay suntok dun sa nakahawak sakin kaya umatras ako palayo sa kanila. Sinugod naman sya nung isa pa pero nakailag sya. "Run!" sabi nya sakin kaya naman tumakbo ko pero di pa ko nakakalayo nakita kong nakahandusay ung dalawang lalaking lasing, tapos unti unti na kong nawalan ng malay. Nagising na Lang ako Sa isang kwarto at don ko nakilala si Tristan.
End of flashback
He was one who helped me with those drunk men and I’m so thankful for what he did for me that day, Hindi ko matandaan kung saan ko sya nakita pero alam kong nakita ko na sya dati bago pa nya ko mailigtas pero hindi ko na inisip pa yon "Uyy!" sabi sakin ni Alice kaya tiningnan ko sya "May sinasabi ba kayo?" tanong ko sa kanya "Kanina pa kami salita ng salita dito hindi ka naman pala ate nakikinig eh!" sabi sakin ni Alice "Sorry may naalala lang kasi ako” sabi ko sa kanya kaya napailing sya "Naku ate ah" sabi nya sakin "Mommy I want some ice cream" sabi ni Gayle sa mommy nya "Hindi ka pa kumakain ng dinner" sabi ni ate Gwen sa kanya “But I want some ice cream, I want some!" sabi nya at nag ta-tantrums na sya dahil sa kagustuhan nyang kumain ng Ice cream. "After dinner na lang baby" sabi ni Ate Gwen sa kanya pero umiling sya at nagsimulang umiyak "NOOOO I WANT IT NOWWWW" umiiyak na sabi nya samin "Hey little girl come to tita Belle" sabi ko sa kanya at lumapit naman sya sakin "Later na lang ung Ice cream kasi hindi ka pa kumakain ng dinner, sige ka pag nag ice cream ka agad sasakit ung tummy mo. Gusto mo bang sumakit ung tummy mo tapos si mommy and daddy may wo-worry sayo at baka madala ka sa hospital” sbai ko sa kanya kaya naman tumigil sya sa pag-iyak at nag pout na "I don't want, but I really want to eat some ice cream" sabi nya sakin "You will eat but after dinner, tapos we will play. It's that okay” sabi ko sa kanya, nag isip pa sya bago tumango "okay stop crying na and say sorry to mommy and tita Alice kasi nagkulit ka" sabi ko lumapit naman sya sa mommy nya at niyakap si Ate Gwen "Mommy I'm sorry, sorry tita Alice" sabi nya sa kanila "Your forgiven baby" sabi ni Alice sa kanya "Okay baby basta don't do it again!" Sabi ni ate Gwen saka nya hinalikan at niyakap si Baby Gayle "Ate ang galing mo talaga sa bata" sabi sakin ni Alice kaya napangiti na lang ako "Hindi naman kay Gayle lang ang cute nya kasi" Sabi ko sa kanya "Sana pag nagkaanak kayo ni Kuya sayo magmana no! Para Mabait" sabi naman nya kaya natawa ko. Bigla naman may kumatok kaya binuksan ni Alice ung pinto. "Mam pinapatawag na po kayo sa labas" sabi samin ng kasambahay nila "Okay susunod na kami" sabi ni Alice "Mga Ate tara sa baba at dinner time na" sabi nya samin kaya tumayo na kami at sabay-sabay naman na kaming bumaba kasunod namin sila Tristan "Hey" sabi nya sakin sabay akbay sakin. "Kamusta meeting nyong tatlo?" tanong ko sa kanya "Okay lang naman, pinapaayos lang naman ni Dad ung presentation na dadalin sa New York next week bukod pa don sa natapos kong presentation” sabi nya sakin “Do you need help? I can help you if you want” sabi ko sa kanya pero umiling sya “Nah! I can handle it” sabi nya sakin "Are you sure?" tanong ko sa kanya "Yup, saka madami ka ding gagawin ayokong maistress ka at mapagod” sabi nya sakin "Maupo na kayo!" Sabi ni tita samin ng makarating kami sa dining area. Nang makaupo kaming lahat sa mga pwesto namin may biglang pumasok "Hello guys" sabi nya samin at sa boses pa lang kilala ko na kung sino yon. "Kuya Rogi you’re here” sabi ni Alice sa kanya "The one and only" sagot naman nya kaya napailing ako at nilingon ko sya, isang ngiti ang isinalubong nya sakin ng magtama ang mga mata naming dalawa. Hindi ko alam kung anong dahilan nya at bumalik sya dito kahit alam naman nyang hindi sya pwedeng madalas na pumunta dito, sana lang walang nakahalata ng pag alis nya.