II. S T R A N G E R

1760 Words
She thought this island was her haven, but then again it turned out to be her nightmares. Madami pa siyang pangarap sa buhay. Madami pa siyang gustong matupad. At mas madami pa siyang gustong marating. Tuliro si Cassandra na napapapikit sa kaniyang pinagkukublian. Palapit nang palapit sa kaniyang puwesto ang mga yakap na kaniyang nadidinig. Palapit nang palapit at palakas nang palakas. Halos hindi na siya makahinga sa sobrang kaba. Dinig na dinig Cassanda ang pintig na kanyang puso. If this was her last seconds, then it would be a second full of regrets. Naghintay siya. Tatlong segundo ang lumipas ngunit wala namang kakaibang nangyari. Iyon na marahil ang napakahabang segundo sa tanang buhay niya. Ayaw niyang huminga. Sa kalagitnaan ng dilim ay mas gusto niyang maging bahagi na lamang nito. At bago pa siya makapag-isip ng kung anu-ano, someone grabbed her from behind. Hindi alam ni Cassandra kung paano siya nasundan o paano nakarating ito sa kanyang likuran nang walang kaingay-ingay. She screamed in horror, wanting to let loose from a tight grip. Pero mabilis na tinakpan ng taong ito ang kanyang bibig para hindi marinig ang sigaw niya. She was frozen, holding her agitated breath, panic quickly ran down to her nerves. Masyadong malakas at hindi niya alam kung kaya niyang makawala sa isang simpleng pagpupumiglas lang. "Don't scream. Bibitiwan kita, pero huwag kang gagawa ng kahit anong ingay." Nanlaki ang mga mata ni Cassandra sa mga salitang 'yon. This was not part of that gang. Iba ito. Pero nakakasiguro ba siyang hindi ito kakampi no'ng lalaking 'yon? How could she be so sure? His right hand was on her waist, the other was on her mouth, covering it. Isang segundo lang ang nagdaan at nakatayo na silang pareho sa kantong 'yon. Pinilit niyang lumingon patalikod, pero medyo malakas ang isang ito. Nakulong siya sa mga braso ng lalaki nang ganoon kabilis. At nakalapat ang kaniyang likuran sa malapad nitong dibdib. "Inuulit ko, huwag kang sisigaw. I mean no harm." Wala rin siyang magawa kung 'di tumango na lang. Ano pa ba ang magagawa ni Cassandra? This man was the only one who helped her. She hesitantly looked unto the guy's face when he finally let her go. Laking gulat niya nang mapagtantong hindi nga ito ang humahabol sa kanya. Tumingala pa siya nang kaunti para lang makita ang mga mata nitong kasing kulay ng kadiliman. If he was not one of them, then why was he helping her? It made no sense, kasi hindi naman sila magkakilala. Was this her delusion of being so freaked out? Gusto niyang hawakan ang lalaki, para tingnan kung hindi ba siya nananaginip. O kaya naman ay sampalin na lang ang sariling mukha para lang magising. "Sino ka, lalaki? Bakit mo ako tinutulungan? Magkakilala ba tayo? Kilala mo ba ako? Isa ka bang guwardiya na binayaran ng papa ko?" sunod-sunod niyang tanong. But he answered nothing. Kasabay nang pagbitiw sa kaniya ay siyang paglinga-linga nito sa magkabilaang direksyon at saka sila nag-umpisang maglakad. Masyadong mabilis ang mga pangyayari na kahit sa mga oras na 'to, parang ayaw gumana ng utak niya. "This way. Malamang nandun sila sa kabila dumaan." He demanded nonchalantly. It seemed as if she knew she was in trouble already. "Mas mabuti ng sigurado. Mukhang mga dayo lang din ang mga 'yon dito." "Tagarito ka ba?" muling tanong ni Cassandra. "The way you said, mukhang kilala mo na ang mga tao sa isla. I guess, tagarito ka. Am I right?" At sa pangalawang pagkakataon, wala na naman siyang narinig na kahit anong sagot buhat sa lalaking 'to. May karapatan ba siyang magalit? Puwede ba siyang mainis? Puwede ba siyang tumigil sa paglalakad at mag-iba ng direksiyon? Gusto niyang magtanong kung sino siya at kung bakit siya nito tinulungan pero mas mabuti kung mananahimik na lang muna. Sunud-sunuran lang si Cassandra. Wala naman siyang choice kung hindi sundan ang lalaking ito para sa ikabubuhay niya. Ba't pa siya nito tinulungan? May kailangan ba ito sa kanya? Walang ginawa si Cassandra kundi titigan ang taong ito nang palihim subalit masyadong madilim ang daan at ni isang street lights ay wala man lang matinong ilaw. Ang weird lang. Walang imikan habang naglalakad. May kakaiba sa lalaking ito subalit hindi pa rin niya iyon mawari kung ano. Ilang eskinita na rin ang kanilang naikutan, at gano'n pa rin ang inasal ng lalaki. Mukhang hindi ito ordinaryo at may sayad 'to sa utak, o 'di kaya naman bading. Ni hindi siya nito tinanong kung ayos ba siya, nakakahinga pa ba, o buhay pa ba siya. Wala ni isang gano'n. Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Cassandra. Hindi naman siguro masama ang magtanong, 'di ba? Napahinto siya sa kaniyang paglalakad, kaya naman ay huminto rin ang lalaking ito. "Who are you? Why are you helping me? Mister, saan mo ako dadalhin? At saka, bakit ayaw mong sabihin ang pangalan mo? Bingi ka ba?" At sa pangatlong pagkakataon, he denied her questions. She scowled, knowing that he just literally ignored her question - over and over, again. Nag-e-enjoy ba ang lalaking ito sa pagiging suplado? Imbes na matakot, natabunan ang lahat ng 'yon ng inis at nakapokus ang titig sa malapad na likuran na nasa kaniyang harapan. She stopped for the second time. Naririnig na niya ang bawat paghampas ng alon sa mga buhangin. Wala mang liwanag pero alam niyang makarating na sila sa pinakadulo ng isla. Naamoy na niya ang alat na hatid ng simoy ng hangin. Ang ibig sabihin, malapit na rito ang bahay ng tiyahin niya. It should have a light but there was nothing but complete darkness. Parang may black out ang buong isla. At kailan pa 'to nangyari? "S-Saan mo ako dadalhin?" pautol niyang tanong sa estranghero. Kung hindi nito kayang sagutin ang mga simpleng katanungan, ibig sabihin ay hindi rin ito mabuti. Kailangan niyang magising sa katotohangang isa pa rin itong estranghero. At kahit pa pa man ang paliwanag nito, dapat ay hindi pa rin siya nagtitiwala rito nang lubusan. "Papatayin mo rin ba ako?" He stopped, too. Nagtama ang kanilang mga mata. At sakto naman, sa isang kakaibang pagkakataon, lumabas ang buwan sa pinagkukublian nito at tinamaan sa liwanag ang mukha ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ni Cassandra. Hindi makapaniwala sa mga nakikita. Napakurap tuloy siya nang ilang beses sa labis na pagkamangha. His eyes were so black, as if it was the darkest eyes she had ever seen. Dark as the night itself, his intense gaze made her shiver. Cold and unruffled. Ngayon lang naramdaman ni Cassandra na hindi rin ito isang basta-basta lang. Nakapurong itim ito mula ulo hanggang paa. Naka-hood pa, pero hindi iyon naging hadlang para hindi masilayan ni Cassandra ang amo ng mukha nito. Itim na itim ang kulay ng mga mata, matangos at perpekto ang pagkakaukit ng ilong ito. Mapupula ang mga labi. He was incredibly handsome, at pakiwari ni Cassandra ay pinag-tri-tripan lamang siya ng tadhana. May ganitong ka-guwapong nilalang pa pala? "I just saved your life, little girl. You should thank me rather saying something stupid. Besides, ayokong nakakakita ng babaeng helpless sa dalampasigan. Not in my watch." Bumalik sa wisyo si Cassandra nang madinig niya ang boses ng lalaki. "Was asking your name a stupid question?" Tinaasan na niya ito ng kilay. "At mukha ba akong little girl sa 'yo?' "No, asking too much questions in the middle of the night is stupid. Asking nonsense questions makes you a little girl. At ang ingay mo. Binubulabog mo ang ganda ng gabi." Seriously? Muling tinititigan ang mukhang parang ayaw niyang tingnan dahil halos perpekto na. "Kung makapagsalita ka, akala mo ang tanda-tanda mo. E mukhang magkaedad lang naman tayo ah!" She instantly folded her arms over her chest. "You talk too much again." Hindi na siya nito inimikan. "Mas mabuti nang maglakad na lang kaysa pakinggan ka." This guy was getting into her nerves while they started walking again. She couldn't believe this guy. Para saan ba ang pagtulong niya kung hindi naman siya nito papansinin nang maayos? At bakit nga ba siya tanong pa nang tanong kung alam naman niya ang sagot? What was wrong with her? "Ang sabi ko, ano'ng name mo, mister? Wala ka bang pangalan o ayaw mo lang sabihin." Isa pa at huli na na. Of couse he had a name. Everyone has. Naiirita na si Cassandra.Kulang na lang ay magsalubong ang dalawang ang kaniyang dalawang kilay sa sobrang inis. Gusto lang naman niyang malaman kung sino ang taong tumulong sa kaniya para makapagpasalamat siya nang maayos. Was that too much to ask? Akala niya ay iimikan na siya nito, pero wala pa rin. Ngayon lang siya nakakita ng lalaking hindi siya pinapansin, maliban na lamang sa ama niya. Who the hell was this guy? Dinaig pa niya nakikipag-usap sa hangin. At nakakabwisit na talaga iyon. "Stop talking. Para kang isip-bata." He said in sa sobered way. "Akala mo ay safe ka na kaya ang lakas mong mag-ingay ngayon. Nakakasiguro ka bang safe ka na? You should think more of your situation rather than asking my name, miss. " "What did you just say?" She looked fiercely at him as if she was being offended of his word. "Paran isip-bata? Parang below the belt ka na mister." He was so calm yet somewhat lethal in an odd way. Pero hindi ibig sabihin nito ay makakalampas ang isang ito binanggit na insulto. She was never an immature. At kailan pa naging immaturity ang isang pagtatanong? Looking straight into his eyes with a defiant look showed him that she was not bothered with his presence at all. "Medyo may pagkamakapal din pala ang mukha mo, ano? "Keep your mouth shut." He muttered "Don't ask kung sa tingin mo ay wala kang mapapala. Hindi kita tinatanga. You did that to yourself. You should respect what I want in the first place. Kung sa una pa lang ay hindi ko na sinagot, dapat mas alam mo ng ayaw ko ang tanungan na 'yan. Pero sadyang inulit-ulit mo pa na para bang wala kang sense of sensitivity." That's it. All of a sudden, she was outburst in anger. Masakit na nakakahiya. Napahiya, pinahiya, whatever it was, he hurt her - big time. She ran away from him. Wala na siya pakialam kung may sinabi pa bang iba ang lalaking na iyon sa kanya. Total, tanaw na niya ang bahay ng tita niya. She would be safe. Goodbye, stranger.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD