I - CAS

1921 Words
IT WAS A TOTAL MESS... Sa hindi inasahang pagkakataon, papalapit na rin sa puwesto ni Cassandra ang isang grupo ng mga lalaking nagtatakbuhan sa kalye. Sa sobrang pagmamadali, nahagip pa siya ng isa sa mga ito. Napaupo si Cassandra sa aspaltong daanan nang wala sa oras. Sa lakas ng impact ng pagkabangga, naramdaman na lamang niya ang matinding sakit sa bandang balakang habang tumilapon naman ang kanyang mga pinamili. Nagkalat sa daanan ng wala sa oras ang lahat ng mansanas nang nabitiwan ni Cassandra Sanchez ang supot na kanina pa niya hawak-hawak. May bumangga sa kaniya. Sa lakas ng impact, kanya-kanyang gulong ang mga pulang mansanas na siya mismo ang pumili para sa kaniyang tiyahin. Iyong isang piraso na 'yon, nakarating sa gilid ng basurahan na hindi naman kalayuan sa kaniyang puwesto. Iyong iba ay natapakan na ng mga tao o 'di kaya'y mga motor na dumadaan sa kalye. Paborito pa naman ito ng tita niya at gumulong lang sa maduming daanan. Paano na lang ang kaniyang peace offering nito? Batid niyang kanina pa 'yon nagmamaktol sa labis na katigasan ng ulo. "Damn! Bakit ngayon pa kung kailan, pauwi na ako?" Sa sobrang lakas ng kaniyang boses, hindi mapigilan ng mga taong nando'n na tumigil at tingnan siya sa kaniyang puwesto. Subalit, wala na siyang pakialam diyan. Sa sobrang pagkayamot, kinuha niya ang isang piraso ng prutas at malakas na binato sa lalaking nakatalikod ng walang pakialam. "Tarantado! Bakit kasi hindi ka tumitingin, e!" Asintado. Ngingiti na sana siya ngunit kaagad niyang napansin na maling tao ang kaniyang natamaan. Asintado nga pero palpak naman. Isang lalaki na hindi nalalayo sa trenta anyos ang natigilan at tiningnan siya ng masama. Tantiya na, hindi ito lalampas sa anim na talampakan. Salubong ang mga kilay nitong nakatingin sa kaniya. "Ako pa ang sinabihan mong tarantado, babae?" Naalarma si Cassandra nang nagsimula na 'tong humakbang papalapit sa kaniya. Nakaramdam siya ng takot nang wala sa oras habang ang kaniyang mga paa ay kusang umaatras papalayo sa lalaki. Mukhang mas nakakatakot pa pala ang isang ito sa malapitan. Bukod pa sa pangit na ang mukha, nakakademonyo pa ngumiti kahit bunga. Sumenyas pa 'to sa tatlong lalaki na nasa gilid lang at mabilis din ang mga 'to na kumilos upang lapitan siya. Ma-ko-corner siya nang wala sa oras. . . ng dahil lang sa apples. "Dakpin niyo nga ang babaeng 'yan para mabigyan 'yan ng leksiyon kung ano ang ibig sabihin ng tarantado." Utos nito. Napalunok si Cassandra ng laway nang 'di oras. She's dead. Literally, dead. "CASSANDRA SANCHEZ!" Isang malutong na pagtawag ng kaniyang tiyahin ang nag-echo sa bawat sulok ng bahay. Bahadyang tumaas ang tono ng boses nito sa kalmadong tono na lagi niyang nadidinig. It brought her chill on her spine. "At saan ka naman pupunta, Cassandra? Hindi pa kabilin-bilinan ko sa 'yo na huwag kang aalis ng bahay nang hindi nagpapaalam sa akin ng maayos?" Kahit medyo may edad na ay kitang-kita pa rin ang angking kagandahan nito. Mayroon ng ilang uban na kapansin-pansin sa mga buhok ng tiyahan niya pero hindi naman ganun kakulubot ang mga balat nito. "Ah—eh—" Wala talaga siyang maisagot nang maayos sa pautal-utal niyang bigkas. Mas lalo lamang niyang hinigpitan ang paghawak ng doorknob habang humuhugot ng lakas ng loob upang sagutin ang tiyahin niyang kumupkop sa kaniya pansamantala. "Kasi—a-ano po. Diyan lang naman ako Tita Nimfa. Hindi naman ako lalayo. At isa pa, masyadong maliit ang isla na 'to para makalayo pa ko 'di ba?" "Malilintikan ako ng papa mo, Cass." Nagtama ang kanilang mga mata. "Kesyo malaki. Kesyo mallit. This world is far dangerous that you can ever think of. Mas maigi nang mag-ingat tayo bago pa man magkaroon ng peligro, hindi ba? Hays, ano na lang ang sasabihin ng tatay mo sa 'kin? Na pinabayaan ko ang kaisa-isa kong pamangkin?" Ngumiti lang si Cassandra sa tiyahin niya. Her aunt was the kindest woman she had ever known, pero heto at tinataasan pa siya nito ng kaliwang kilay. "Wala naman pong mali sa sinasabi mo, tita. Lagi ka namang may tama sa akin. Kaya nga mas mahal kita kaysa sa kambal mong kapatid. Ayaw mo bang mag-asawa na lang?" pabiro niyang tanong. "Tantanan mo 'yang asa-asawa na 'yan. At isa pa—"Bigla na lang napatigil ang Tita Nimf niya. She had always been that woman who loved the ideas of fairytales and happy-endings. Pero heto siya, dumarami na ang mga uban pero wala pa ring natitipuhan. "Huwag mong ibahin ang usapan, Cas." Matigas na pagkakasambit ng kaniyang kaharap. "Mahal ka ng papa mo, Cass. Give him a chance to prove it to you." Imbes matuwa, mas nakaramdam si Cassandra ng pait sa mga katagang 'yon. Chances are not for all to be given. Ni hindi niya alam kung ilang chances na ba ang nabali ng papa niya, kung ilang chances na ba ang binigay niya para sa kaniyang ama. Pero sa bandang huli, lahat ng iyon ay parang mga basura na lang ng kaniyang ama na pwede na lang itapon nang gano'n-gan'on na lang. Ang mabuhay siya ng mundong 'to, masasabi rin bang isa ring malaking chance? "Nope, Tita. Tama na 'yan. Alam naman natin kung alin ang mas mahalaga kay papa. "Kaya nga ako nandito, 'di ba? He imprisoned me here. If he meant about chances, dapat kasama nila ako ngayon sa ibang bansa. Dapat nakaranas ako ng family bonding kahit minsan. Dapat wala ako rito, kundi nando'n ako sa kanila." Pinigilan ni Cassandra na huwag maiyak sa kaniyang sinasabi. Tatakas lang naman sana siya at wala sa kaniyang plano ang magdrama. Hindi na rin makapagsalita ang tita niya. Parehong nagtama ang kanilang mga mata. Parehong may gusto pang sasabihin, subalit mas ginusto na lang nilang manahimik. Isang tipid na ngiti ang itinugon ni Cassandra sa kaniyang tiyahan. "I'll be fine Tita. I'll be right back. Promise. I won't take long," she assured, which she doubted for herself. Dali-dali siyang lumabas ng pito ng wala nang lingunan. Hinintay niya ang pagkakataong ito. This meant freedom for her, kaya bakit ba siya uuwi kaagad? Napailing-iling na lamang siya, habang hindi na maikubli ang excitement na naramdaman. She started walking away from their house. This was not her first time to explore the island., but it always felt the same. It felt like home . . . in an odd way. Just to please them... Hindi niya maintindihan kung bakit masyadong seryoso ang parents niya, at the same time nakalimutan na yata nilang may anak pa sila. Too busy with their family business, they didn't have time anymore for her. They forgot her. Na mayroon din siyang kailangan para sa sarili. Na hindi lahat ay kayang ma-satisfy sa pera. She needed them. Kahit kaunting atensiyon lang sana. Kahit kaunti lang.. Napangiwing bigla sa naalala, parang nainis siya nang kaunti at kumirot kahit paano ang kaniyang puso. She had missed them so much in a painful kind of way, because they never ever had a good memory together. Namimiss niya ang mga sandaling kasama niya ang kanyang mga magulang na kahit hindi nila ramdam ang kaniyang presensiya. Ang hiling lang ni Cassandra ay sana kahit sandali lang ay mapansin naman sana siya ng mga ito. But that would never happen. Her face saddened at the gloomy thought. Para iyong isang impossibleng pangarap na kay hirap yatang matupad. Isang simpleng pangarap na para bang napaka-impossibleng hangarin sa isang katulad nila. Napabuntong-hiniga siya sa kalagitnaan ng kalye. Naghahanap ng emosyon, naghahanap ng masasandalan. Naghahanap siya ng mga bagay na wala naman. She guessed not everything could buy out from money. Kaya minabuti na lamang niyang ituon ang sarili sa iba. Nagpokus na lamang si Cassandra sa ganda ng kapaligiran imbes na magpaka-moody nang walang sa oras. Napapailing-iling siyang niyakap ang sarili dala ng malamig ng hamog ng hangin. This little island was like more of a paradise. She could hide in here . . .forever Muli siyang napalingon sa bahay ng tiyahin niya at napangiti. "Pangako, babalik ako kaagad." NASAKSIHAN PA NG lahat ng mga nandoon ang pangyayari pero halatang nalunod na rin sila sa takot kaya naman mas minabuti nilang huwag nang mangialam sa gulo. Kaniya-kaniya silang- direksiyon, nagsipag-alisan ang mga ito na para bang wala lang sa kanila ang magiging kahantungan niya. Was this the paradise that she'd been seeing all this time? Isa lang palang balat-kayo kung ganoon. "Ulitin mo nga sinabi mo kanina, Miss." He asked with a mocking grin. "Ang cute mo pala kapag natatakot. Siguro naman, pwede kitang paglaruan muna dahil tarantado naman ako." Kitang kita niya ang mga mata nitong nanlilisik na nakatitig sa kaniya. She had heard him. Sa sobrang linaw ng kaniyang pagkakadinig, parang gusto na lang niyang maglaho na parang bula. Pero, masyado naman siyang naaaning na sa nangyayari. There was no such thing as that. At sa mga oras na 'to, there was no such thing as superhero at mas lalong hindi siya isang damsel in distress. Subalit, ano nga ba ang kailangan niyang gawin sa sitwasyon na 'to? Sa kamalas malas naman ng gabing ito, bakit napunta pa siya sa ganitong sitwasyon? To her fear, she couldn't speak any word at all. Dinaig pa ni Cassandra ang maging bato sa kanyang kinatatayuan. Ganito pala ang nararamdaman kapag nasa bingit ng peligro. Batid niyang nasa peligro siya pero ayaw namang sumunod ng kaniyang buong katawan. Gusto niyang tumakbo. Sumigaw. Humingi ng tulong. Pero huli na yata ang lahat. Was this hell? Hindi niya masagot. Nang akmang hahawakan na ng lalaki ang kanyang mukha, buong lakas niyang inihagis sa harapang ang mga pinamili niyang mansanas. Sabay tapak nang ubod ng lakas sa paa ng lalaking kaharap niya at mabilis na tumakbo papalayo. She needed to get of this place, ran as fast as she could, and never looked back. Kailangan niyang makauwi. Kailangan nang mailigaw muna ang mga 'to bago makauwi. Kailangan niyang tumakbo. At mas lalong kailangan niyang huwag mag-panic. Malayo pa ang bahay ng tiyahin niya. At mas malapit naman siya ngayon sa bingit ng kamatayan. Sa sobrang kabado, nagtago si Cassandra sa ilalim ng basurahan sa likod ng madilim na iskinita. Kung ilang beses na siyang nagdasal nang paulit-ulit ay hindi na niya alam. She only wanted to escape this nightmare. Bahala nang mag-aamoy bulok siya kaysa siya naman 'yung mabubulok kinabukasan at itapon na lang kung saan. Who knew what those crazy guys could do? She bit her lower lip. At tinakpan pa ng kaniyang mga palad ang kaniyang bibig upang hindi makasigaw. Silently waiting, she heard some footsteps. Papunta ito sa gawi niya. Nakaramdam na naman si Cassandra ng pagkataranta. Hindi niya alam kung tatakbo na ba si Cassandra o mas lalong magtatago sa gilid ng mabahong basurahan. Dinaig pa niya ang isang nakakadiring dagang nagkukubli para hindi mahuli. Speaking of the devil, madami ngang mga daga sa paanan niya. She bit her lower lip again, wanting not to scream. Pero sa pagkabigla ni Cassandra, nasagi niya ang isang lata ng softdrink sa kaniyang tabi at gumulong pa ito na mas lalong gumawa ng ingay. Mali pala ang kaniyang ideya na isang paraiso ang isla na 'to, at tama ang kaniyang Tita Nimfa. Sana nakinig na lang siya kanina at hindi na lumayas pa ng bahay. Sana mas maaga siyang umuwi. Sana hindi na lang siya nagdrama sa harapan ng tita niya. Things would have been different. This is not good.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD