P R O L O G U E

300 Words
"YOU can't hide him from the truth." A god was talking to her wife with disbelief. They were in his kingdom, where poor souls stayed for eternity in hell. "Hindi mo basta-basta malalayo sa akin ang ating sariling anak, Persephone." Hindi nagsalita ang kaniyang asawa na napupuno ng hinagpis ang mga titig nito sa kaniya. "Gustong-gusto kitang kasusuklaman, mahal ko. Kasalanan mo ang lahat kung bakit wala sa atin ang ating anak. Kung bakit ko nilayo sa mundo natin. I want him to live in peace and not to use him in the future." Namumuo ang mga luha sa mga mata ng kaniyang asawa. Mula sa malayo, tiningnan ni Hades ang isang sanggol na hawak-hawak ng mortal na babae. Gamit ang isang salamin na nababalutan ng mahika, malaya nilang nakikita ang kanilang anak sa mundo ng mga mortal. "Sinaktan mo lang ang sarili mo sa ginawa mo." Kalmado pa rin si Hades kahit na nag-hi-hysterical na ang kaniyang asawa. Hindi na niya maibabalik pa ang kanilang anak sa Underworld. Hindi lang ito itinapon sa labas ng kanilang kaharian, tinanggalan din ito ng kaniyang asawa ng kakayahang makabalik. "Someday, you will understand about his bright future. Siya ang itinakda ng propesiya ng Olympus." Matigas ang kaniyang boses na para bang nagbabadya na tama siya at mali ang hinuha ng kaniyang asawa. Tinignan siya ni Persephone nang ubod ng sama, at pagkadisgusto sa huli niyang sinabi. "Nagkakamali ka, mahal kong Hades. I will do everything to stop the prophesy. Hindi ko hahayaang maging kasangkapan mo ang ating anak para sa hidwaan ninyong magkakapatid." "Tumigil ka na! Hindi ka nakakatulong, mahal ko. You can't hide him forever," paalala niya sa kaniyang asawa. "Balang araw, mangyayari ang nakasaad sa propesiya sa ayaw mo man o gusto."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD