“Oh there you are, Nyx. Long time no see." A man stood in the hallway, slowly approaching them.
Mas matangkad pa ito kaysa kay Nyx. Mahigit six footer yata ang isang ito at hindi rin gano'n katandang tingnan. Seemed like this guy's age was in early twenties. Nanatiling tahimik lang si Nyx sa kaniyang tabi.
Nakaramdam din si Cassandra ng tensiyon sa pagitan ng dalawang lalaki. Seryoso ang mga mata ni Nyx na nakatitig sa bagong bisita. Mukhang hindi sila magkaibigan.
Nagbawi sila ng tingin at siya naman ang tiningnan ng bisita.
“Ikaw talaga ang binisita ko, Miss. Gusto kong masilayan kung gaano ba kaganda ang mortal na girlfriend ng pinsan ko. You've caught my attention, Miss. After all these years, first time na -- "
“Excuse me?” pinutol ni Cassandra ang ano pa mang sasabihin nito. "Unang-una, hindi ko boypren iyang pinsan mo. Pangalawa, hindi rin ako maganda kaya huwag mo akong bubulahin."
Umatras si Cassandra nang makita niya ang pilyong ngiti nito sa mga labi. Hindi niya ito nagustuhan. Laking ginhawa ang naramdam niya nang maramdaman ang kanang kamay ni Nyx na nakadampi sa kaniya, sabay hinila siya ni Nyx upang itago sa likod nito.
“Oh common, Nyx.” He scowled. “Hindi ko naman ‘yan sasaktan. Alam mo naman ang mga babaeng magaganda ay minamahal."
"Leave this woman alone, Luke." Nyx warned this man, na mas naging dahilan upang mas magkubli sa likuran nito. "Why are you here, anyway? You already have what you want. Nakapasok ka lang dito dahil sa pendant ng ama mo. But you are still not welcome. Leave immediately. We have no business to talk to."
“Ssssh! Don’t be too hard on me, Nyx. Besides, masyado nang matagal ang mga nangyari noon. How about reconcillation?" pangiti nitong tugon.
Nalilito na si Casandra sa mga pinagsasabi ng mga ito. Whatever their issues are, labas na siya roon.
"Tamara is happily living with me. Baka pwede na natin kalimutan ang nakaraan at magsimulang muli?" he offered.
Hindi pa ma-absorb ni Cassandra ang pangalan ng babaeng binanggit ay bigla na lang lumusob si Nyx nang walang paalam. Sinuntok nito ang pinsan niya pero hindi umabot ang kamao nito sa mukha. May kung anong kakaibang barrier ang nakapaligid sa bisita bilang pananggalang.
"She is yours because of your powers but not because she loves you."
Nawala ang mga ngiti sa labi ng pinsan ni Nyx. “At ano naman ang sa tingin mo? Na ikaw ang karapat dapat sa kaniya?”
Sa isang hampas lang ng kamay ni Luke, bumalibag si Nyx at tumama ang kanyang likod sa pinakamalapit na pader.
Hindi iyon makataong abilidad.
Nanlaki ang mga mata ni Cassandra nangyari. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nasaksihan lalo na ang pagbagsak ni Nyx. Malakas ang impact na ‘yon dahil bumakat ang likod ni Nyx sa sementadong pader.
"Nyx! Okay ka lang ba?" pag-aalalang sigaw niya.
Akma sanang lalapitan ni Cassandra si Nyx nang bumungad sa harapan niya ang pinsan nitong si Luke. Wala siyang magawa nang hinawakan siya nito sa baba upang paangatin ng tingin.
“You know, you are far more beautiful than Tamara.”
Her senses told her that she must stay away from this man no matter what.
Nyx . . .
She was calling out his name but there was no voice coming out. Hindi na rin siya makagalaw. Daig pa niya ang na-paralyze sa harapan ng lalaking ito. What did he do to her?
"But then again, wala namang nakasaad sa aming lahi na magmamahal lang kami ng isa."
Nanlaki ang mga mata ni Cassandra sa mga salitang iyon. He was just a few inches away from him. And his lips were getting nearer to hers. Iyong pakiramdam na sobra na siyang naalarma subalit wala siyang magagawa ay mas lalong nagpabilis ng kabog ng puso ni Cassandra.
“I told you to leave her alone!”
Nakakilos na si Cassandra pagkatapos masipa si Nyx nang ubod ng lakas ang tagiliran ni Luke. Tumilapon ito sa kabilang sulok ng bahay. Sa sobrang lakas, yumanig ang buong bahay.
Nanginginig pa ang katawan ni Cassandra nang muli siya nitong hinawakan sa kamay. It felt warm. She seemed relief. And she almost cried out of fear.
"Sasama rin iyan sa akin nang kusa, Nyx." Tumayo si Luke sa pagkabagsak.
Gusto pa sanang bumanat ni Cassandra pero mas minabuti niyang higpitan pa lalo ang pagkahawak ni Nyx sa kaniyang kamay.
"O kung gusto mo, you can have your Tamara and that woman will be mine." Malulutong pa ang mga halakhak nito bago tuluyang naglaho sa hangin.
Naiwan si Cassandra na natulala nang ilang segundo. Magulo ang kaniyang utak. Nanghihina ang kaniyang tuhod. She stared at him as if he is the only one who could save her.
"Nyx . . . " she whispered. "Ibig sabihin ba nito ay namimilegro na rin ang buhay ko?"
Wala siyang narinig na kahit anong sagot. Silence filled the whole place. Tinanggal ni Cassandra ang pagkakahawak nito sa kaniya at napaupo siya sa may hagdanan.
Mabigat ang kaniyang loob. Paano nangyaring nakapasok siya sa gusot na ito? At paano siya makakalabas?
They were not humans. Aware si Cassandra roon. Napahapo siya. Napapikit. This was no longer a dream but a reality to take.
"Nyx," she called out his name. Sana sasagutin siya nito. "Ang buhay ko ba ay sapat na upang malaman ko ang iilan sa mga sikreto ng buhay niyo? Baka kasi bukas ay patay na ako at wala pa rin akong kamuwang-muwang sa sitwasyon."
"Kapag malaman mo ba ang lahat, what will you do? Tatakbo ka rin ba katulad nila?" Napansin niyang mas lalong naging seryoso ang mukha nitong nakatingin sa kanya.
Umupo na rin si Nyx sa kaniyang tabi. They were both looking on the same broken wall.
"Tama ka. Ang buhay mo ay nanganganib ngayon ng dahil sa akin. And I'm sorry for that. Hindi ko intensiyon na mapasok ka sa g**o. But I don't know if you will going to stay with me, as well. O lalayuan mo ako for good para mas tumahimik ang buhay mo. You have a choice."
"What if I stay, will you protect me?" tanong ni Cassandra.
Their eyes met. Tinatantiya ng kaharap ni Cassandra ang kaniyang salitaan. Staying was suicide. Letting this off was purely regretting. Malas sa paningin ng iba ang mga nangyayaring ito sa kaniya pero masasabi ring suwerte siya to discover this kind of people.
Iilan lang ang masuwerteng nakakaalam ng kanilang katauhan.
And she was one of those few.
"If you will stay, hindi ka na makakawala pa, Cassandra. Sa ayaw mo o gusto, magiging bahagi ka na ng buhay namin. If that's the case, can you leave everyone and everything behind?"
Tumahimik siya. This was too surreal. Mas matimbang ba ang curiosity niya sa universe kaysa sa sariling buhay?
O baka, may iba pang dahilan na ayaw lang niyang aminin sa sarili?
"Baka naman sa dami ng mga mahahalaga sa buhay mo ay nahihirapan kang mag-let go. Mas madaling mag-let go ng mga bago pa lang, kaysa sa nakasanayan mo na."
He had a point, subalit desidido na siyang mag-stay.
"What do i have to let go, when I have nothing?" pagtatama niya. "Mag-isa na lang ako. Hindi literal, but it always feels like that. May mga magulang pa naman ako, but I can't feel them. Wala akong maramdaman na kahit katiting na affection at pagmamahal nila para sa akin. Pakiramdam ko palagi akong naiiwan sa ere. Being cast out all the time is quite my hobby; sa bahay, sa school, o sa tropahan. I don't have friends. But I am fine being forgotten or being left behind. Sanay na sanay na ako riyan. Ano ba ang maiiwan kung wala namang iiwanan? Paano ka magpapaalam kung wala namang pagpapaalaman?" May kaunting kirot sa puso niya ang bawat pagsambit ng mga salitang ito. "Baka nga kapag ako ang mawala, walang makakapansin. Sanay na ako na wala namang nagpapahalaga."
Parang gusto niyang maiyak sa mga pinagsasabi niya.
Wala siyang pinagsabihan ng mga tunay niyang hinaing ng puso. Palagi niyang sinasabing okay pa kahit hindi na. Palagi siyang nagkukulong sa kuwarto kahit party pa niya. Nobody can understand her. Yet, this man let her spoke just like that.
Ang pagsasalita ng saloobin ay isang kalayaan.
"Are you alright?" tanong ulit ni Nyx sa kaniya, pag-iiba ng topic o dahil sa salitaan niya.
Nagtama na naman ang kanilang mga mata at mabilis na tumango si Cassandra. "Nakakatakot ang pinsan mo. Halatang mayroon kayong hindi pinagkakaunawaan. Okay lang ako. Hindi naman ako sinaktan." Binalik ni Cassandra ang topic, kahit alam niya kung ano ang ibig sabihin ng tanong na 'yon.
She was not okay, pero palagi niyang sinasabi na okay lang siya. Naging routine na kasi iyon sa buhay niya.
"Good. Huwag kang mag-aalala. That would be the last. Hindi na 'yon basta-basta makakapasok sa pamamahay ko, for your safety."
Na-touch si Cassandra sa mga pinagsasabi nito. At least, kahit papaano, may value ang isang estrangherong tulad niya.
"Salamat."
"Palagi kang mag-iingat at iwasan muna ang katigasan ng ulo. Huwag kang masyadong magtitiwala sa iba, kahit na sa akin."
"Bakit naman" kunot-noong tanong ni Cassandra.
“You should be scared for I am a monster."
Ngumiti lang si Cassandra. "Even a monster can have a heart. Magiging halimaw lang ang isang nilalang kapag mawawalan ito ng kakayahang magmahal. I think you're not heartless. Cold, but for me, you're not a monster. So, why should I be scared with you?"
Nyx curved his lips. Iyong tipong ngiti na gugustuhing makitang muli ni Cassandra nang paulit-ulit. "Masyado kang optimistic."
Sumilay na rin ang mga ngiti ni Cassandra, smiling back at him. "Para hindi naman lugi kung napupuno ang buhay natin ng kamalasan."
Muling nagtitigan silang dalawa. This time, mas matagal na ito. Mas malalim. Mas may kahulugan.