“You are a worthless child! You are not my boy!” sigaw ng kaniyang ama habang pinapalo siya ng sinturon sa kanilang sala.
Masakit ang bawat paghampas ng sinturon sa kaniyang balat. Nakikita ni Nyx na pumapatak na ang mga dugo niya sa marmol na sahig. Hindi niya maunawaan kung bakit ganito kalupiy ang kaniyang ama.
Wala siyang maunawaan sa mga nangyayari. Bakit palagi nitong sinasabi na wala siyang kuwentang anak?
“Tama na Papa!” pagmamakawaawa ni Nyx habang ramdam niya ang bawat hapdi at kirot. "Sorry na po. Hindi na po mauulit."
Mangiyak-ngiyak na si Nyx habang iniisip kung ano ba ang kaniyang malaking kasalanan?
Isang kasalanan na bang kumain ng tinapay sa dis-oras ng gabi?
Hindi niya alam kung alin ba roon ang mas masakit. Iyon bang pisikal na pagdaing o ang kirot sa puso niyang nagsusumamo sa kaniyang ama na tila ba'y walang puwang ang puso nito sa tulad niya?
“Tama na Papa, masakit,” pagmamakaawa niya. "Nagugutom lang po ako, Papa. Hinding-hindi na po ako uulit."
Sa isang anim na taon na batang kagaya niya, hindi niya alam kung bakit siya ginaganito. Tama, masakit. Pero mas masakit ang mga salitang binitawan ng kanyang ama kaysa sa hagupit ng sinturon sa kanyang musmos katawan. Sadyang masakit. Masakit na umabot sa pinakailalim ng pagkatao niya.
Nyx cried while her mother was just there, crying too,watching him suffered. Kasi alam ng mama niya na wala siyang magawa. Hindi niya kaya ang lupit ng kanyang asawa. Ni hindi man lang siya nito binigyan kahit tubig man lang. Kahapon pa siya hindi pinapakain ng papa niya.
“Hindi kita anak! Bastardo ka! Hindi kita anak! Anak ka sa ibang lalaki ng ina mo!” sigaw ng papa niya na mas pinalakas pa ang hampas ng sinturon kaysa kanina.
Feeling ni Nyx, hindi na niya kaya ang pagmamalupit. Wala naman siyang ginawa kundi mahalin ang kanyang ama ng buong puso niya. Ano ba ang kulang? Ano ba ang nagawa niyang kasalanan?
“Hindi totoo yan! He’s your son!” sigaw ng kanyang ina at dali-daling tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya ng sobrang higpit. “Tama na yan! Bata lang yan si Nyx. Please. Tama na.” Humahagulhol na ang kanyang inang si Samantha.
Hindi alam ni Nyx kung ano ang dapat niyang maramdaman sa pagtatanggol ng kanyang ina sa kanya. Para s’an? Para mabugbog din siya? Dapat hindi na lang siya nito tinulungan.
“Umalis ka diyan, Samantha.’ Wag na’ wag mo sa ‘kin yan ipagtanggol ang bastardo mong anak! Baka ikaw ang tatamaan ko sa pagtataksil sa akin!” Mas lalong nanlilisik ang mga mata ng kanyang ama. Mas nakakatakot.
Pero niyakap pa din siya ni Samantha, ikinulong sa mga bisig nito. Itinago. Pinuprotektahan.
“Kailanman, hindi kita pinagtaksilan! Ikaw lang ang minahal ko, ang kaisa-isang lalaking minahal ko. Maawa ka sa bata." umiiyak pa rin siya.
“Tama na ‘yan, Samantha. Alam nating dalawa ng hindi natin ‘yan anak. Anak mo lang ‘yan."
“Hindi totoo ‘yan!” pagtatanggol ng kanyang ina.
“Tama na sabi!” sabay hampas ng kamay nito sa pisngi ni Samantha at napahiga sa sahig ang ina ni Nyx sa hagupit ng asawa nito.
Nagsisigaw si Nyx. Sa mura niyang edad, ano ba ang ibig sabihin ng bastardo? Kapag ba hindi na siya bastardo ay mamamahalin na siya ng kaniyang ama?
????
Napahapo si Nyx. Natulala nang ilang segundo habang nakatingin sa kisame ng kaniyang kuwartong madilim. Walang ilaw. Nakabukas ang aircon.
Those nightmares still haunted him for years. Kailan ba siya nito tatantanan?
“Nyx?” Isang boses ng babae ang kumatok sa kanyang silid. "Nyx, nasa loob ka ba ng kuwarto?"
Saka lang niya napagtantong hindi pala siya nag-iisa sa bahay niya. It's been years since he’d lived this house with no visitors. Pakiwari niya, isang panaginip lang din ang boses ni Cassandra.
He closed his eyes wanting to wipe away all those painful memories, na pati sa kaniyang mga panaginip ay sinusundan pa rin siya ng mga ito.
"Nyx? Gising ka na ba?” Isa pang katok ang narinig ni Nyx.
He sighed while he tried to grasp his breathe. Kitang-kita pa niya ang mga butil ng pawis niyang pumapatak sa kaniyang kumot. Matamlay na tiningnan ni Nyx ang orasan sa may pader. It was already six o’clock in the evening.
Bumangon si Nyx sa higaan, kinuha ang kumot at tinapis sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan. Lumapit siya sa pinto at pinagbuksan niya si Cassandra.
“May kailangan ka ba?” he asked.
Nagtama ang kanilang mga mata.
Hindi niya nakaligtaan ang nanlaking mga mata ni Cassandra na nakatingin sa kaniya, mula ulo hanggang paa.
"Baliw ka talaga!" Kaagad itong tumalikod, namumula ang mga pisngi. "Magbihis ka naman! May kasama kang babae!"
Nasanay na kasi siyang walang kasama sa bahay. At 'di hamak na hindi ganiyan ang reaksiyon ng mga babae kapag nakikita nilang nakatapis lang siya.
Napangiti si Nyx sa sobra nitong pagkainosenti. This type of moment is quite priceless.
"Binulabog mo ko. Paano ako makapagbihis kaagad? Besides, hindi ako nakakatulog kapag may damit ang katawan ko."
Mas lalong nangamatis ang kaniyang kaharap. It was just a teasing statement, pero nagustuhan niya ang reactions ng dalaga.
“P-Pasensiya ka na storbo,” pautal nitong umpisa habang nakatikod pa rin sa kaniya. “Ano kasi . . . may ano . . . may bisita ka.”
Bisita?
Nagulantang si Nyx sa sinabi ni Cassandra. Impossibleng magkakaroon siya ng bisita na ordinaryong nilalang. May invisible barrier ang nakapalibot sa bahay niya at tanging mga descendants ng tatlong magkakapatid na siyang pinakamakapangyarihan sa Olympus ang exempted.
"Si Ayden?" hula niya.
"Hindi," walang kagatol-gatol nitong sagot." Ibang lalaki iyan. Puntahan mo na lang."
“Nasaan siya?" usisa niya.
“Nasa baba. Gusto ka raw niyang makita.” Nakatalikod pa rin si Cassandra sa kaniya. "At utang na labas! Pumasok ka muna sa kuwarto at magbihis ka muna. Pilitin mong matulog na may damit sa susunod!"
"Yeah. Yeah. Magbibihis lang ako. Give me at least 2 minutes. Mauna ka na."
Napatawa na lang si Nyx nang makita si Cassandra na humarurot na rin ng takbo papalayo sa kaniya.