NAGLAKAD SILANG dalawa ni Nyx sa isang secret passage paalis sa lungga ni Ayden. Whatever it was, nagdudugtong ito sa ilalim ng karagatan papunta sa isla. If people would know this, baka magiging piece ito ng discovery na hindi malilimutan.
Heck, if humans knew that such powerful creatures existed, mag-iiba ang mga pananaw ng mga tao sa mundo. And still, she's here with him.
Was this her blessing or her curse?
Pareho silang nananahimik.
May hangganan ba ang katahimikan na ito?
Tahimik lang si Cassandra na naglalakad na para bang madami rin siyang iniisip, katulad ng lalaking katabi niya. Si Ayden naman, hindi man lang nag-abalang habulin silang dalawa pagkatapos nilang magbulungan kanina sa harapan niya.
Madaming gustong itanong si Cassandra pero hindi niya alam kung paano mag-uumpisang magsalita sa taong katabi niya. Her world was turning upside down, and she couldn't escape from it.
Was this for real? Iyong pakiramdam na napunta siya sa kakaibang mundo na hindi dapat? Iyong feeling na tresspassing siya?
She must not be here.
"Wala bang ilaw dito? Wala akong makita." Si Cassandra na ang bumasag sa katahimikan na iyon.
She felt his hand pressed onto hers. It seemed warm. "Magtiis ka muna. Walang kakayahan ang mga mata mong makakita sa dilim.
Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakad. Magulo ang isipan ni Cassandra, na kahit ang dilim ay hindi man lang siya binigyan ng peace of mind.
Mahirap paniwalaan ang mga nangyayari.
Parang imahinasyon lang ang pag-teleport ni Ayden kanina. At ang kamangha-manghang bahay ni Ayden, ay parang sa libro lang pwedeng mag-exist. No matter how Nyx tenderly held her hand right now, hindi kayang kalimutan ni Cassandra ang paninira nito ng pinto sa isang tirada lang. Ang taglay nitong lakas ay hindi maaaring ikumpara sa isang ordinaryong nilalang.
Para siyang nananaginip nang gising. Like a whirlwind experience, everything didn't make sense, but these imaginations seemed last for long... way too long.
When would she wake up?
"Nyx?" hindi na siya makatiis, hindi dahil sa sobrang katahimikan kung 'di sa sobrang tuliro na ng kanyang isipan.
"Ano?" Mabuti at sinagot naman siya nito.
"S'an mo ko dadalhin? Pwede mo bang ihatid mo na lang ako ulit sa hospital? Malamang hinahanap na ako ni Tita Nimfa. Kanina pa ko nawawala, e."
Napangiwi siya sa sarili niyang mga salita. Kailangan bang magpasalamat siya?
Mali yata ang kaniyanh entrada.
"You'll be home soon. But for now, I need you safe," mahina nitong tugon.
"Safe? I don't think magiging safe ako rito. Mas safe pa ako kung kasama ko si Tita. Just bring me to her please."
"I can't," pag-ayaw nito. "Besides, wala na siya ro'n sa hospital."
She stopped walking.
"Huh? Paanong wala?" kunot-noong tanong ni Cassandra. "Kailangan niyang magpahinga pa roon ng ilang araw. Sa'n mo siya dinala? My god, Nyx! Nabaril ang tita ko! May tama iyon ng b***l!" Walang pakialam si Cassandra kahit tumaas pa ang kaniyang boses at umaalingawngaw iyon sa lagusan.
What was going on?
Hindi rin niya masagot.
"Trust me. Nimfa is safe," kaswal nitong sabi.
"Trust you? How can I? Halos wala ka ngang sinasabing impormasyon sa akin eh?"
She crossed her arms over her breasts. Still, they were standing in complete darkness. Hindi niya maaninag ang mukha ni Nyx o kahit anumang reaksiyon sa mga sinasabi niya.
"Because, I saved your life for several times," isa na namang matinong sagot.
Ilang beses na nga ba siyang nailigtas ni Nyx? Sapat na ba iyan na basehan upang pagkatiwalaan niya ang isang estranghero?
"Nyx," tawag niya sa pangalan nito. "You don't save me or my aunt. Ikaw mismo ang reason kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon. My life is in danger because of you. You don't save me. You are putting me in danger. If this is finally over, pwede bang lumayo ka na sa buhay namin? Lumayo ka sa akin. "
Nasobrahan ba siya ng salita. Did it hurt him? Kasi, pakiramdam ni Cassandra, siya ang natamaan sa masakit na salitaan na iyon.
"You're right," pag-sang-ayon nito. "Kapag matapos na ang lahat ng 'to, you both can leave anytime."
Nagsimula na naman silang maglakad. Bulag sa dilim, paisa-isa ang bawat hakbang ni Cassandra.
Nyx didn't offered his hand, at mas pinili ni Casandra na huwag babaan ang kaniyang pride.
Tumigil si Nyx kaya napatigil din siya sa paghakbang. Hinawakan pa niya ang pader na nakaharang sa kanilang dalawa. Akala ni Cassandra ay dead-end na, pero bigla na lang gumalaw ang mga bato at nagkaron ng entrance papasok sa kanyang harapan.
"Nasa'n na ba tayo?" Nagdalawang-isip siyang pumasok sa loob?
"In my place," sagot ni Nyx.
Nagpatuloy na gumagalaw ang mga bato. Nag-form ito ng butas. Palaki nang palaki, hanggang sa nakabuo ng tunnel.
This time, may mga ilaw na ang lagusan. Nakahinga si Cassandra nang maluwag.
"You're place? Nananaginip ba ako?Pakisampal nga ako. Para magising ako."
"Hindi ka nananaginip Cassandra at mas lalong hindi kita sasampalin. Bakit gusto mong magising? Bangungot ba ako para sayo?"
Shocked by his straight words, she stared deep through his dark eyes. May nais siyang makita, subalit hindi niya mawari kung ano.
Nagbaba siya ng tingin at nagsimula na naman silanh maglakad. Gaano na ba kalayo ang paglalakad nila? Ilang kilometro na ba?
Sandamakmak na ang mga pawis na naglabasan sa katawan ni Cassandra. She held her knees. Sa sobrang pagod, ayaw na niyang humakbang pa.
Nakarating sila sa dulo ng lagusan, isang lumang pinto ang nandoon. Kinuha ni Nyx ang medalyon sa leeg nito at ginamit ito bilang susi. Pagbukas ng pinto, naglakad pa sila nang di kalayuan at isa na namang pinto ang binuksan ni Nyx.
"Kusina!" gulat niyang pagkakasambit.
He turned the lights on.
"May oven, refrigerator, faucet, microwave, rice cooker, at ano pa. Hindi ito kusina. Banyo 'to." He answered sarcastically.
She pouted her lips.
Lumapit si Nyx sa refrigerator na halos 8ft ang taas. Wala itong masyadong laman sa loob kung 'di mga prutas at malamig na tubig. Kinuha ni Nyx ang isang baso sa may gilid at kinuha rin ang pitsel sa loob ng ref.
"Never pa akong nagkaron ng bisita sa lugar na 'to. Kahit si Ayden ay hindi pa nakakapasok dito." He confessed. Inabot sa kaniya ang isang basong tubig.
Mabilis niyang kinuha iyon at sunod-sunod ang paglagok.
"Thanks," aniya.
Naubos niya ang laman ng baso. Sa sobrang uhaw at pagod niya, awtomatikong umupo si Cassandra sa pinakamalapit na silya na gawa sa kahoy.
Sa harapan niya ay ang malaking round table na gawa sa salamin.
"Nyx, may tanong ako."
"Ano 'yon?" Sinasalin nito ang tubig sa hawak-hawak na baso.
"Sabi ni Tita, kuya ka niya. Kung paniniwalaan ko siya, kayong lahat, kung gano'n, kamag-anak kita? Uncle kita?"
Muntik pang mailabas sa bibig ni Nyx ang tubig na kaniyang iniinom.
Nilapag niya ang baso sa mesa at umupo katabi ni Cassandra.
"Uncle?" inulit ito ni Nyx. "I maybe your aunt's brother but I definitely not your auncle. She's my stepsister."
Nagtama na naman ang kanilang mga mata. Bakit pakiramdam niya ay may kung anong kakaibang pintig ang puso niya nang madinig ang katotohanan na 'yon?
"No one told me about you."
Muling tumayo si Nyx. "Memories can fade easily. . . "
Muling inabot ni Nyx ang pitsel at ang pinakamalapit na baso. Nilagyan niya iyon ng tubig at saka inilagay sa kaniyang harapan.
"Here. Have a drink. Kung anu-ano na nasa isip mo. Kahit kunting features, wala tayong similarity."
Tiningnan ni Cassandra si Nyx mula ulo hanggang paa. Although, pareho silang maputi, lahat nga ng features nila ay hindi naman pareho.
She had big, round brown eyes while Nyx dark eyes are oval in shapes. Those ferocious black eyes were like some eyes of an untamed wild animal. Iyon ang tipong mga mata na hindi pwedeng sumunod kung kani-kanino lang.
Ang braso nito ay mga muscles, malamang may abs din ito sa tiyan.
His lips are perfect to kiss.
"Nakakatunaw." he said, wickedly.
Natauhan bigla si Cassandra sa boses na iyon. "Huh? What did you say?"
"Cute ka sana kaso. . . " Lumapit ito kay Cassandra at bumulong sa tainga. "--bingi."
"The nerve." She narrowed her eyes. "Tama! Hindi kita kamag-anak. Wala akong uncle na mapang-asar!"
"Mas gusto kong pakinggan na tawagin mo 'kong babe, hon, honey kaysa sa sa uncle. What do you think? Ano ang mas bagay?" He teased her.
Isang pilyong ngiti ang nasilayan ni Cassandra habang siya ay uminit ang tainga sa nadinig at pati ang kaniyang mga pisngi ay uminit na rin.
"Ayaw mo ng tatang?" pikon na siya.
Mabilis niyang hinawakan ang baso at inubos ang laman no'n.
Gwapo ka sana kaso masyado ka!
"Tapos ka nang uminom?" Nakapokus ang atensiyon nito sa basong walang laman. "Puntahan na natin 'yong magiging room mo."
"Room ko, tatang?" inulit niya.
Tumayo si Cassandra sa silya at sinundan si Nyx na nagbingi-bingihan.
"Saang lugar na ba tayo?" Naglakad na naman sila. Walang katapusang paglalakad. She was so tired. "At anong oras na ba ngayon?"
"Same island." Ang tipid talaga sumagot.
"Where exactly in the island?"
"Below." Napakatipid talaga.
"Hay naku! Pwede paki-elaborate? Ang layo ng isip natin e, ang utak ko nasa lupa pa, e iyong sa 'yo, nasa outer space na! Parang edad at mukha mo. Feeling teenger pero tatang na pala."
"HA.HA.HA." He let out a sarcastic laugh.
Tumigil ito sa kaniyang harapan, dahilan na napasubsob ang mukha ni Cassandra sa malapad nitong likod.
"Quit saying tatang. Isa pa, Cassandra at hahalikan na kita sa labi. Gusto mo bang malaman kung lasang matanda rin ang halik ko?"
Was that a warning or a threat?
Umatras si Cassandra. Natigilan. Ayaw niyang iakyat ang kaniyang paningin sa gawi ni Nyx.
"Kung si Ayden ay nasa underground water 'yong bahay, ang bahay ko naman ay nasa underground mismo ng isla na 'to. Nasa kalagitnaan ng bangin ang harapan nito kaya hindi ito basta-basta mapapasok. Pwede mong tingnan mamaya sa balkunahe ang view. 'Yon ay kung hindi ka takot mahulog."
Natameme pa rin si Cassandra.
Huminto sila pareho sa pinakadulong bahagi ng hallway, sa ikalawang palapag. Kung bakit ba kasi palaging nasa dulo?
Natigilan siya nang humarang si Nyx sa bukana ng silid. "Huwag mong masamain ang salita ko. Nagbibiro lang ako. I won't kiss you, woman."
She absorbed his words, para lang magkaroon ng lakas na loob na makabanat pabalik. "I know."
Their eyes met again. May kung ano sa mga mata na iyon na kay mahirap titigan. Sa pangalawang pagkakataon, siya na naman ang nagbawi ng tingin.
Tuluyan nang binuksan ni Nyx ang pintuan. Isang kwartong pambabae ang bumungad kay Cassandra. Halos lahat ng decorations ay puro pink ang kulay at maybflowery designs ang mga tela.
"Matulog ka muna rito. Saka na tayo mag-usap kapag nakapagpahinga ka na."
Tumango lang si Cassandra kay Nyx.
Naiwan siya sa may gilid ng hallway. Nakatayo sa may pintuan. Pinagmasdan niya ang lalaking paunti-unting naglalaho sa kaniyang paningin. At saka niya naisipang, pumasok sa loob.
Halos ang lahat na nandoon ay mga gamit ng babae. Pink ang kulay ng mga kumot at kurtina. Sariwa pa rin ang mga bulaklak na nakalagay sa vase sa may mesa.
Para kanino naman kaya ang kwartong 'to? Napatanong si Cassandra sa kaniyang sarili.
Imbes na matuwa at makapagpahinga n siya, bigla na lamang siyang nakaramdam ng kalungkutan at inaalala ang mga salitaan ni Nyx.
At doon sa may drawer, kung saan ay nakalagay lang sa kaliwang bahagi ng silid, her heart instally dropped. Nakalagay doon ang lumang picture frame. At sa larawan, bumungad sa kaniya ang mukha ni Nyx na wari'y carefree at masayahin, habang nakayakap ito sa magandang dilag na punong-puno din ng pagmamahal.
She barely breathed.
If this was really a dream, pwede bang magising na siya at hindi na niya maalala pa ang lahat ng ito?
Someone else already owned his heart.
May mahal na itong iba. Isa lang siyang third party. . . sa kuwento ng love story na hindi dapat kaniya.