“Don’t be afraid, Miss. Hindi naman kita sasaktan.” Boses ng lalaki ang nagsalita.
Dinig ni Cassandra ang mga yapak nito na papalapit sa kaniyang gawi.
She definitely knew that she was all alone. Saan naman kaya ito nanggaling. At dahil sa labis na dilim, ni anino ng taong ito ay hindi niya maaninag.
Paniguradong ito ang nagdukot sa kaniya.
“Hindi kita kilala," panimula niya. "Please, ibalik mo na ako sa kung saan mo man ako kinuha. Nagkamali ka ng taong kinidnap. I don't know you. And I'm pretty sure, I dont owe anyone."
Umaalingawngaw sa buong lugar ang tawa nito. Ibig sabihin, hindi ganoon kalaki ang lugar na 'to, kagaya ng kaniyang inaakala.
"Interesante kang babae," pabulong nito sa kaniyang tainga. May baritono itong boses. Ang bilis nitong makarating sa kaniyang likuran. "I expected a crying lady asking for mercy, begging for her life. But you . . . " Nagpa-pause pa ito saka siya biglang hinawakan sa magkabilang braso. " . . .you remain calm."
Mainit ang mga palad nito na nakalapat sa kaniyang braso. Umiilaw ang mga kamay ng lalaki. At bago pa man siya mabigla nang tuluyan, napunta sila sa ibang lugar.
Kung anuman ang nilalang na ito, may alam ito sa mahikang teleportation. Such thing that she didn't know if it did exist, until now.
Hindi katulad ng nauna, nakikita na niya ang lahat sa kaniyang paligid. May liwanag na sa bawat sulok ng silid. At nasa harapan ni Cassandra ang lalaking salarin sa mga nangyayari. Their eyes met.
Hindi ito mukhang sanggano o gago. Hindi rin ito nakakatakot tingnan. Nakangiti ang lalaking may perpektong hugis ng mukha sa kaniyang harapan. Matangos ang ilong, maputla ang balat, at halos ay magkasingtangkad sila ni Nyx.
Sumasalamin sa kulay asul ng dagat ang dalawang pares na mga nito. Buhay na buhay ang kulay na animo'y mga alon na humahampas sa dalampasigan. Masyado itong appealing sa isang abductor.
He curved his lips.
She pushed him away.
Kaagad siyang dumistansiya.
Hindi katulad ni Nyx, may pagka-lively ang aurahan ng isang ito. Tantiya niya, magkapareho lang sila ng edad.
Nilibot ng kaniyang paningin ang kabuuan ng lugar. Malawak ito. Nakapokus ang liwanag sa kisame at doon ay kaagad nakuha ng kaniyang atensiyon ang larawan ng lalaking sireno.
Isang silid na napapalibutan ng mga mamahalin na vintage furnitures, hindi rin makakaligtaan ni Cassandra na ang bawat gamit na naroon ay walang moderno. Lahat ay makaluma at tila ba ay inungkat pa ito sa iba't ibang bansa.
"Maganda ka ngang talaga," sambit nito. "Para sa isang mortal, pwede na."
She caught him, staring at her with that amusement smirk again. Pinagmasdan din siya nito, mula ulo hanggang paa.
Hindi naman siya nakakatakot tingnan pero ayaw niyang mawalan ng kompiyansa. Ito ang dumukot sa kanya at nararapat lamang na hindi niya ito pagkakatiwalaan kahit gaano pa kaamo ang hitsura ng lalaking kausap siya ngayon.
Pinilit niyang palakasin ang kanyang loob. This was not the right time to freaked-out.
"Tao ka bang talaga?" Sa kadami-daming pwedeng itanong, ito pa talaga?
“Hindi ba ako mukhang tao sa paningin mo?" kalamado nitong bulalas.
"Then what are you? Kasi siguradong sigurado akong hindi ka tao." Cassandra asked again.
Sabihin mang nahihibang siya pero alam niyang tama ang kutob niya.
"Interesante ka ngang talaga." Pareho silang nakatayo roon. Dalawang metro ang layo sa isa't isa. "Unique ang una mong tanungan, Miss. Masyadong refreshing sa pandinig. Alam mo bang first time akong tinanong ng ganiyan. Common girls usually don't ask. Madali silang mahulog sa hitsura ko."
"Kung isa ka mang bangin kidnapper, magtatatlong-isip akong tumalon sa 'yo."
"Kidnapper," inulit nito ang salitang iyon na amuse na amuse. "I'm intrigue. May nakapagsabi na ba sa 'yo na kakaiba ka? Malakas ang control mo sa sarili, sa katulad namin. Usually, patay na patay ang mga babae kapag makita ako. But you . . . you look at me with your disappointed face."
Napataas ang kilay ni Cassandra. "Kailangan ko bang sambahin ka pagtapos mo akong kunin sa hospital at dalhin dito? Kailangan ko bang matuwa na nakita kita? Hindi ba ako pwedeng madismaya at hindi nga ako ang kailangan mo? Sinabi mo na 'di ba, madaling mahulog ang mga babae sa 'yo, kailangan ba kitang tulungan na makahanap ng kapalitan ko dito? Iyong patay na patay sa 'yo? Kasi baka ikaw ang mapatay ko nang wala sa oras, kidnapper! Ibalik mo na 'ko ngayon din, kung sino ka man."
Alam niyang wala na sa lugar ang kanyang paghingi ng demand. But hell, she didn't deserve this, too.
Mas lalong lumalayo si Cassandra habang palinga-linga pa kung ano ang pwedeng mahawakan pang-self defense. Kahit ano, basta nakatulong lang sa kanyang sitwasyon. Ngunit, kaya kaya ba niya talagang tumakas?
"Ang what makes you so sure na ibabalik kita o hindi tamang babae ang nakuha ko?" His intense gaze made her shiver.
Pakiramdam niya, nagbago na ito ng mood.
Napalunok si Cassandra ng laway. "Dahil alam kong nagkamali ka ng taong kinuha. We don't know each other. Wala tayong business sa isa't isa. At kahit wala akong maalala na na-offend kita."
Umupo ang lalaki sa isang puting solo couch na malapit sa kaniya. “Malakas ang loob mo, Miss. Tama ka. Hindi kita sasaktan. Pero, hindi kita kinidnap. Hiniram lang kita. Treat yourself like a guest. Do whatever you want."
“Oh, really? Kailan pa ako naging isang gamit para pwedeng kunin anytime? Hindi ba ako mukhang tao para sa 'yo?" sarkastiko niyang banat. "I'm not your guest. Para akong preso dito. You took me away. Isusumbong talaga kita sa pulis kapag makatakas ako rito."
He laughed all of a sudden.
Sa sobrang lakas, natahimik si Cassandra at napatitig nang husto sa kaniyang kaharap.
“Is that a joke? Papaano mo naman ako ipapakulong? Alam mo ba kung paano tayo nakarating sa bahay ko?"
Teleportation.
Tama nga ang kaniyang hinila patungkol sa powers nito. He was giving her a hint.
"Saan ba pwedeng makabili ng matinong utak, baka pwede kitang mabilhan?"
Napahalumikipkip na si Cassandra sa sama ng loob at sa sobrang inis. Hindi siya nito siniseryoso.
He laughed again. This time, mas malakas ang tawa nito kaysa sa nauna. “Nagtanong ka kanina kung tao ba ako. Pero, ayaw mong maniwala sa teleporatation?"
May tama ang lalaking ito.
"At kailan pa ako naging clown sa harapan mo? Puro ka tawa. Hindi mo ba nakikita ma ang sama-sama na ng loob ko?"
Tumakbo si Cassandra palabas ng silid na iyon nang walang paalam. Kunwari ay nagdadrama siya pero ang totoo, naghahanap siya ng labasan.
Paikot-ikot si Cassandra sa buong lugar. To her disappointment, wala siyang makita na kahit anong lagusan. Kung hindi naka-lock ang bawat pinto na kaniyang nadadaanan, wala rin ni isang bintanang nakabukas.
Napabuntong-hininga siya.
Sumandal si Cassandra sa malaking salamin ng aquarium. Sa labis na laki nito, sakop ng isang bahagi ng silid ang salamin.
“Nasa ilalim tayo ng karagatan. Kung magbabalak kang tumakas, ngayon pa lang magdasal kang gawin kitang sirena para makalangoy," mahinahon nitong sabi, na wala na yata sa katinuan.
Sinundan pala siya nito.
“You're joking, right?"
“Hintayin na lang natin si Nyx. He will be here in no time."
Nagpinting ang dalawang tainga ni Cassandra na pangalan na binanggit ng kaharap. Magkakilala sila ng lalaking iyon?
“By the way, my name is Ayden. Cassandra, right? Narinig ko lang ang pangalan mo kanina kay Nyx," he offered his hand.
Bumaba ang tingin ni Cassandra sa kamay nitong nakalahad sa kaniya. Pero, hindi niya ito kinamayan.
"Ayaw mong hawakan ang kamay ko? Ayaw mong magpakilala ng pormal?"
Magkaiba sila ni Nyx. Pangalan na nga lang, ayaw pa no'n banggitin. Subalit ang isang ito, malayang sinambit ang pagkatao. Malayang nagpakilala.
Ayden.
“Say my name, Cassandra. Then I will tell you how to get out.” He teased her.
Sumilay na naman ang mga pilyo nitong ngiti. Talagang pinaglalaruan siya ng isang ito nang husto.
"You're wrong. Hindi ako pupuntahan ng lalaking 'yon. Hindi ko kaibigan si Nyx. We just met a few hours ago. Kaya bakit naman niya pag-aaksayan ng oras? As far as I remember, he doesn't anyone in his life. Kung gusto mo siya pumunta rito, sana siya na lang kinuha mo at hindi ako! Stupid."
“Aww! Stupid, huh?" imbes ma-offend, kapansin-pansin nito ang pagka-jolly pa sa boses. "Maaaring tama ka. Hindi kayo magkaibigan. Pero, mas tama ako. He will be here."
"How can you be so sure?" kunot-noo nitong tanong.
"Sabihin na lang nating weakness niya ang babaeng tatangayin sa kaniyang harapan. He cannot refuse this kind od invitation."
Nahihibang na ito.
Mas hibang siya kung paniniwalaan niya ito.
Maya-maya pa, may nadinig nila ang isang malaking pagsabog sa kanang bahagi ng bahay na ito. Natumba ang malaking pintuan sa main door at tumambad sa kanilang dalawa ang anyo ni Nyx na nakatayo roon. Paano nito nasira ng gano'n kadali ang napakalaking pintuan na 'yon?
He still had his cold aura, but her heart skipped a beat when he looked at her.
“'Wag mo naman sirain ang pamamahay ko. Kun'di malulunod tayong lahat dito.” Ayden reminded him. "Mabuti naman at nakarating ka."
Walang pakialam kay Ayden, lumapit si Nyx sa kaniyang gawi. She was like a damsel in distress and this man was her knight. Ang pagkakaiba nga lang, hindi siya nito pinuntahan para sa kaniya.
It was odd to feel something quite unusual. Kitang kita sa mukha nito ang pag-aalala. It made her okay all of a sudden. Pero, totoo ba talagang nag-aalala ito sa kaniya o dahil tinira lang ni Ayden ang weakness nito?
"Did he hurt you?” tanong nito.
Napailing-iling si Cassandra. "Hindi. Why are you here?"
Hindi siya nito sinagot. Tumalikod sa kaniya si Nyx at mabilis na naglakad patungo sa gawi ni Ayden, na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin.
Magkakilala nga silang dalawa.
“What are you thinking? Gusto mo pa yatang magpahamak ng ibang tao sa kagagawan mo."
“Ibabalik ko rin naman ang interesanteng babae na 'yan. Kailangan kasi kitang makausap, Nyx."
“Not now, Ayden. Ibabalik ko na ang babaeng 'to. She is not a toy to be abducted with. Besides, hindi ka nag-iingat. Hindi mo lang ipinahamak ang babaeng ito. Pinahamak mo rin ang sarili mo. We need to be more careful."
Lumingon sila pareho kay Cassandra na tahimik na nakatingin sa kanilang direksiyon.
“I was about to leave when you went and got her."
“Ohhh," halatang napahiya si Ayden pero nakangiti pa rin. "That's a pity. There's something in this woman, you know. Hindi niya ako type. Pumangit na ba ako?"
Napangiwi si Cassandra sa sinabi nito. Hindi na lang siya nagsalita.
Hindi kaagad nakakilos si Cassandra nang hinawakan ni Nyx ang kaniyang kaliwang kamay at nagsimula na silang maglakad papunta sa pintuan na kakasira lang nito.
Humarap pa ito kay Ayden.
“Hindi pa tayo tapos. Mag-uusap pa tayo. Puntahan mo ko sa isla."
"Isang karangalan na magkaroon ng paanyaya sa isla mo. Makakaasa kang pupunta ako."
"And don’t even try to take her away again." Nyx warned him. "She is nothing to me."
Napapikit siya sa kirot na naramdaman. Mas mabuti nang maaga pa lang, alam na ni Cassandra na wala lang siya kay Nyx. Masakit, pero mas maigi na at hindi pa gano'n kalalim ang maaaring sugat. Somehow his words are like a knife, cutting her heart.
How could a stranger like Nyx hurt her?
Mahapdi, pero kaya niya iyong indahin. Hindi siya nagpatinag. Hindi siya kumibo.
"Isa ba iyang pagbabanta, mahal kong kapatid?" tanong ni Ayden.
Napanganga si Cassandra sa rebelasyon na 'yon. Hindi na sumagot pa si Nyx at nagpatuloy na silang naglakad.
Sa labas ng pintong iyon, halos ang lahat ng parte ng bahay ay gawa na sa salamin. At doon niya napagtanto, hindi si Ayden nagsisinungaling sa kaniya.
Tatlong bagay ang malinaw ngayon para kay Cassandra. Una, nasa ilalim sila ng dagat. Pangalawa, magkapatid sina Nyx at Ayden. At panghuli, walang feelings si Nyx sa kaniya. Hindi siya espesyal.
She was nothing to him.