BUMALIKWAS ng bangon si Zyrus, nang maramdaman niya ang nakakakiliting bagay na kumakalikot sa tainga niya. Ngalingali niyang suntukin si Riegen, nang mamataan niya itong nakaupo sa silya sa gilid ng kama. May hawak itong balahibo ng ibon na kulay puti habang humahagikhik. Talima naman siyang nagbihis. Iyon na ata ang pinakanakakahiyang senaryo na nahuli sa kanya ng kaibigan. Hindi siya magtataka kung paano ito nakapasok sa kuwarto niya dahil hindi niya nai-lock ang pinto. Pero nanggagalaiti siya sa ginawa nitong pagpasok sa kuwarto niya habang siya’y hubo’t-hubad na natutulog katabi ang nahimbing pang si Ellie. Mabuti na lang nakapagkumot pa sila pagaktapos ng bakbakan. Bago pa man magising si Ellie ay kinaladkad na niya palabas ng kuwarto si Riegen, habang pigil pa rin ang pagtawa nito