“DITO ka na pala nagtatrabaho, Ellie? Kumusta ka na?” nakangiting tanong ni Roy, nang makalapit ito kay Ellie. “O-okay lang naman ako,” tipid niyang sagot. Hindi maikakailang wala na ang pananabik niya sa dating nobyo. Noong nakipaghiwalay siya rito ay halos isang linggo siyang hindi nakakatulog nang maayos at walang gabi na hindi siya umiiyak. Sapat na siguro ang dalawang taon para makalimutan niya ang feelings para rito. Pero aminado rin siya na pagkatapos ng breakup nila ni Roy ay nawalan na siya ng ganang sumeryoso sa pakikipagrelasyon. Mabilis na siyang magsawa. Bago si Roy ay marami pa siyang naging boyfriend during college pero walang seryoso at nagtagal ng taon. Si Roy lang ang tumagal ng mahigit isang taon. After nito, matagal na ang six months. “Ahm, nagpalit ka na ba ng pho